NAGKAROON ng reunion ang isang section sa high school sa bahay ng kanilang dating class adviser. Pagkatapos ng kainan ay naghain ang titser ng kape. Sa gitna ng pagkukuwentuhan, hindi maiwasang banggitin ang kanya-kanyang problema sa buhay na kadalasa’y tungkol sa career, lovelife, pamilya.
Nagsalita ang dating titser: Inobserbahan ko kayo kanina nang magtimpla kayo ng kape. Bawat isa sa inyo ay pinili ang tasang may magandang kulay at design. Ang tasang hindi maganda ang design at kulay ay naiwan sa mesa. Pero kung inyong iisipin, walang epekto ang design ng tasa sa lasa ng kape. Kape pa rin ang lasa nito anuman ang uri ng tasang gagamitin.
Kung gagamit tayo ng analogy, ang buhay ay kahalintulad ng kape. Ang career, pera at ang posisyon mo sa society ay kahalintulad sa tasa. Dahil nagko-concentrate tayo sa tasa, hindi natin ma-enjoy ang masarap na lasa ng kape. Nilalasap natin ang kape, hindi ang tasa.
The happiest people don’t have the best of everything; they just make the best of everything. Kadalasa’y walang maipagmamalaking yaman ang taong may maligayang buhay basta’t ipinagmamalaki niya at pinagyayaman ang anumang bagay na mayroon siya.