^

Punto Mo

Naghihintay ang sambayanan sa kilos mo Sec. Roxas

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

DAPAT paimbestigahan ni DILG Sec. Mar Roxas itong mga sumbong na misdeclaration ng mga operatiba ng CIDG at Intelligence Group sa kanilang pagsalakay sa mga gambling dens sa buong bansa. Sa tingin ko, maganda ang nasa isipan ni Roxas nang iutos niya ang malawakang kampanya laban sa pasugalan sa bansa subalit sira sa kalye ang CIDG at IG dahil sa pangungulimbat nila ng ebidensiya. Ang karamihang reklamo ay hindi dinideklara ng CIDG-IG ang totoong ebidensiya na nakalap nila, lalo na ang kagamitan at pera. Maliwanag na legal na pagnanakaw ito, ayon sa mga kausap ko sa Camp Crame. Tinawag naman ng heneral na kausap ko ang pangungulimbat na ito ng CIDG-IG team na “spoils of war.” Sa tinuran na ito ng heneral, wala nang pag-asang mabawi pa ng mga nagrereklamo ang mga nawala sa kanila. Subalit dapat arukin ito ni Roxas dahil malapit na ang May elections at baka makaapekto ito sa isinusulong ni Sen. Franklin Drilon na 12-0 para sa kandidatura ng Team Pinoy sa Senado.

Ang halimbawang kaso Sec. Roxas Sir ay ang pag-raid sa kaha ni Tony Santos sa Pasig City kamakailan. Ibinabando ng kampo ni Santos na aabot sa P240,000 ang perang nakumpiska sa kanila sa naturang raid. Subalit ang idineklara lang ng joint CIDG-IG team ay mahigit lang P100,000 at maliwanag na kalahati sa pitsa ang nakulimbat ng mga raiders. Sa kaso naman sa pag-raid sa puwesto ni Apeng Sy sa Maynila, hindi rin idineklara ng mga raiders galing sa CIDG Field Office Manila ang aircon, welding machine, generator, at mamahaling cell phones ng mga naaresto nila. Ayon sa mga testigo ng kampo ni Apeng Sy, ang aircon welding machine ay kinulimbat ni Sr. Insp. Clark Cuyag, ang generator ay isinakay ni SPO3 Andy Palmiano, kasama si SPO3 Paul Tugade, sa isang FX van, at ang cell phones ay kinumpiska ni PO3 Alfredo Bautista. Matawag din kaya ni Chief Insp. Carlo Manuel, ang hepe ng CIDG Field Office Manila na “spoils of war” ang mga hindi nadeklarang ebidensiya? Teka Maj. Manuel Sir, kailan mo tatanggapin ang hamon ko na salakayin mo ang mga video karera machines ng mag-asawang Romy at Tina Gutierrez na may stickers na “Gutierrez?” Namimili ka pala ng target mo, Maj. Manuel.

Dahil abala ang mga CIDG-IG sa pasugalan, naiwan ang kalye na nakatiwangwang laban sa kriminalidad. Kaya ang plano ni PNP chief Dir. Gen. Alam Purisima ay ilabas sa kalye ang mga pulis na naka-administrative duty sa Camp Crame para manghabol ng mga kriminal. Alam n’yo naman mga kosa na kulang ang pulis natin subalit pitsa ang unang inaatupag ng mga CIDG-IG operatives sa ilalim ng “no take, no contact” policy ni CIDG director Chief Supt. Frank Uyami.  Ang CIDG kasi ang pangunahing sandata ng PNP laban sa bigtime criminal syndicates at ang IG naman dapat ay mga terrorists, kidnaper at iba pang kalaban ng gobyerno ang hinahabol subalit luminya na lang sa pasugalan kung saan hindi armado ang kalaban at me pitsa pang maiakyat sa bulsa nila. Get’s n’yo mga kosa? Nag-aabang ang sambayanan sa action ni Sec. Roxas sa sumbong ng kalye laban sa CIDG-IG team. May karugtong!

 

vuukle comment

ALAM PURISIMA

ALFREDO BAUTISTA

ANDY PALMIANO

APENG SY

CAMP CRAME

CIDG

FIELD OFFICE MANILA

ROXAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with