^

Punto Mo

Ang asawa ng serial killer (3)

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

HINDI kailanman naghinala si Linda Yates na isang serial killer ang kanyang asawang si Robert Yates. Sa loob ng 26 na taon nilang pagsasama bilang mag-asawa, wala siyang nahalata bagamat may hinala siya na meron itong kinahuhumalingang babae. Pero hindi naman niya binibigyang pansin ang problemang iyon dahil mahal niya si Robert at wala silang pag-aaway na mabigat. Ang mag-asawa ay naninirahan sa Spokane, Washington.

Hanggang matuklasan niya na serial killer nga ang asawa at 16 na tao na pala ang napapatay nito. Ang mga pinapatay ay inililibing sa kanilang bakuran. Nakita ng mga pulis ang mga bangkay at inaresto ang kanyang asawa.

Ayon kay Linda, una siyang naghinala nang makakita ng dugo sa upuan sa likod ng kanilang van. Nang tanungin niya si Robert, sinabi nitong nakasagasa siya ng aso. Isinakay niya ang aso at dinala sa veterinary. Naniwala naman agad si Linda.

Minsan daw, umuwi si Robert na maraming dumi sa katawan, pawis na pawis at may kakaibang amoy. Nang tanungin niya, galing daw sa “hunting trips”. Nagtaka rin si Linda nang makita ang mga charges sa kanilang credit card statements: bayad sa Spa, bayad sa motel na may hot tubs. Nang tanungin niya si Robert sabi nito ay nagtungo siya sa Spa para ma-relax ang kanyang muscles. Naniwala naman si Linda.

Natuklasan din ni Linda ang maraming pornographic materials ni Robert at nagulat siya nang mahuli ito sa kanilang attic na naninilip sa kanilang kapibtahay habang nagtatalik. Gu­­­mawa ng butas sa attic si Robert pa­ra lamang ma­ni­lip.

Hindi ma­ka­­paniwala si Linda sa mga natuklasan. Pero nang tu­ma­gal, na­tang­gap din niya  ang lahat. Serial killer nga ang kanyang asawa.

vuukle comment

LINDA

LINDA YATES

NANG

NANIWALA

NIYA

PERO

ROBERT

ROBERT YATES

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with