^

Punto Mo

Gen. Uyami, i-relieve mo ang CIDG operatives!

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

KUNG anu-anong pakana na ang ginagawa ng mga operatiba ng CIDG para lang mapaikutan itong “no take, no contact” policy ng hepe nila na si Chief Supt. Frank Uyami. Kung si SPO4 Roberto “Obet” Chua ay ipinangalandakan na sa Min­danao na siya naka-assign at si PO2 Edmund de Jesus ay gumamit ng alyas na Solomon para mailigwak ang mga humahabol sa kanila, may ibang gimik na namang ginagamit ang mga tauhan ni Uyami para magkalaman ang kani-kanilang bulsa. Pero mahihirapan si Uyami na hulihin ito dahil ang sistema ay angkop sa “no take, no contact” policy niya. Nakikita ko naman na seryoso si Uyami na itulak paakyat para magtagumpay ang programa nya laban sa pasugalan. Kasama ko kasi si Uyami noong sinusulong pa lang ang kaso ni Pasig City shabu tiangge operator Amin Imam Boratong at ganun din siya sa ngayon kaseryoso sa kampanya nya laban sa illegal gambling. Nasaan na ba si Boratong sa ngayon? Di ba nasa karsel sa NBP? Subalit paano magiging matagumpay ang kampanya ni Uyami kung walang suporta sa kanya ang mga operatiba ng CIDG na ayaw punasan ang mantika nila sa nguso? Ang dapat sigurong gawin ni Uyami ay i-relieve ang lahat ng ope­ratiba ng CIDG at palitan ng mga bagitong pulis para maisulong ang adhikain nya. Ano sa tingin n’yo mga kosa?

Ang mga bagong gimik ng mga CIDG operatives ay ang manghuli sila nang maraming personnel o mananaya ng mga sugal-lupa. Imbes na dalhin sa opisina nila, kinukulimbat muna ng CIDG operatives ang mga pera ng mga naaresto at maya-maya ay isa-isa silang binibitawan ang mga ito kapalit ng pitsa. Maliwanag na legal na pagnanakaw ito, di ba mga kosa? Ang ibig kong sabihin Gen. Uyami Sir, tinutubos ng mga gambling lords ang mga tao nila. Napupuna mo ba na kadalasan ay release for further investigation (RFI) ang mga kasong isinasampa ng mga tauhan mo Gen. Uyami Sir?

Sinabi ng kaibigan kong si Joel Capote na hindi na nangu­ngolekta ng lingguhang intelihensiya para sa NCR, SOT at Ratsby itong si Obet Chua. Maliban sa NCR, patay na butas na itong SOT at Ratsby ah, di ba mga kosa?

Ayon naman sa kababayan kong si Chief Supt. Henry Losanes, ang hepe ng MariCom, binigyan na niya ng availability si Chua. Hindi ko lang alam kung bibitbitin siya ng dating amo niya na si Sr. Supt. Asher Dolina, na gustong maging heneral at naka-assign naman bilang executive officer ng Directorate for Operations (DO) sa Camp Crame. Papayag kaya si DO chief Dir. Alex MonteAgudo na meron siyang “deadwood” sa kanyang opisina? Ano naman ang kokolektahin ni Obet Chua sa DO eh wala namang butas itong opisina ni MonteAgudo? Ang opisina naman ni Chief Insp. Carlo Manuel, ang hepe ng CIDG Field Office sa Manila ay patuloy pa rin ang tong collection. Subalit meron ng isa o dalawang buffer itong si Solomon kaya’t mahirap na din siyang maaktuhan, di ba mga kosa? Kahit may “no take, no contact” policy, tuloy pa rin ang ligaya ni Solomon at iba pang operating units ng CIDG at ang naiwang tulala ay si Gen. Uyami. May Karugtong!

AMIN IMAM BORATONG

ANO

ASHER DOLINA

CAMP CRAME

CHIEF SUPT

OBET CHUA

UYAMI

UYAMI SIR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with