ANG ahas ay isang paboritong delicacy sa China. Sa mga local na restaurant doon ay kung anu-anong putahe ng ahas ang iniluluto. Masarap umano ang karne ng ahas.
Pero nang magkaroon nang sunud-sunod na kaso ng food poisoning na ang tinuturong dahilan ay ang pagkain ng ahas, medyo nabawasan ang mga mahihilig sa karneng ahas. Labintatlong tao ang nalason at naospital dahil sa pagkain ng ahas.
Ayon sa report, ang 13 tao ay magkakasabay na kumain ng putaheng ahas sa isang restaurant at sabay-sabay ding nagkaroon ng sintomas ng food poisoning. Bigla umanong sumakit ang kanilang ulo, nanikip ang dibdib, nagkaroon ng palpitations, nanginig at nagsuka.
At ayon sa mga doctor, nalason sila sa kinaing ahas. Subalit hindi direktang ang ahas na kinain ang dahilan ng pagkalason kundi ang kinain ng ahas. Ang kinain umano ng ahas ay mga contaminated na palaka na nakakain naman ng “clenbuterolâ€.
Ang clenbuterol ay ginagamit na gamot para sa mga may asthma. Ito ay nagsisilbing bronchodilator. Kahit pa umano iluto o pakuluan ang karneng ahas, naroon pa rin ang clenbuterol. Ang clenbuterol ay ginagamit din athletes bilang performance-enhancing drug. Inihahalo ang clenbuterol sa animal feeds. Ang mga palaka ay nakakain ng clenbuterol at nang sila ay ipakain sa mga ahas, nalipat dito ang clenbutrol. Nang kainin ng mga tao ang ahas, nalason sila.