BUMUBUNGHALIT nang iyak si Aling Aning habang tinatanong nito ang anak:, “Bunso saan ka nanggaling? Tatlong araw ka nang hinahanap namin!†Napakamot sa ulo ang mahal na bunso. Buong kainosentihang nagtanong: “ Sandali lang po akong kinausap ng hari, tapos umuwi na ako. Paano po magiging tatlong araw?â€. Nanlaki ang mata ng ina: “Hari? Sinong Hari?â€
“Yung hari po nila…â€
“Sinong nila?â€
“Nanay, mamaya ka na po magtanong. Gutom na gutom na ako.â€
Habang nilalantakan ni Cholo ang malaking pitso ng manok ay nagpatuloy ng pang-uurirat si Aling Aning, “Anak sino nga yung sinasabi mong hari?â€
“Hari po ng mga duwende!â€
Hindi na malinaw sa akin, pero ang alam ko’y may nag-interview kay Cholo at ito ay nalathala sa isang English magazine. Lumipas ang ilang buwan, medyo kalmado na ang pamilya ni Cholo. Bihira na rin pag-usapan ang dati’y hot topic tungkol kay Cholo at ang mga duwende. Medyo naumay na ang mga kapitbahay sa topic na iyon. Isang araw ng Pasko ay namasko sa amin si Cholo. Tradisyon sa aming lugar na nagbabahay-bahay ang mga bata para humingi ng aginaldong cash, kamag-anak man nila o hindi ang pinamamaskuhan nila. Hindi kailangang malaki ang aginaldo sa mga bata. Kahit kaunting barya ay ikinasisiya na nila iyon.
Pagkakita ko kay Cholo ay bigla akong na-excite. Pinapasok ko ang bata at nakipagkuwentuhan. Pagkatapos bigyan ng aginaldong sadya kong nilakihan (para maingganyong magkuwento) ay buong paglalambing akong nag-request na kuwentuhan niya ako tungkol sa nangyari sa kanya nang kunin siya ng mga duwende.
“Lumapit po ako sa punso dahil may nakita akong bata. Niyaya niya akong maglaro. Habang naglalaro ay basta na lang kami napapunta sa kanilang bahay na napakalaki. Mabait po ang mga tao doon pero kasingtaas lang sila ng maliit na bote ng Coke. Ang damit po nila ay colourful kagaya ng damit ng clown. Mukhang tao rin po sila pero parang matulis po ang kanilang tenga. Tapos sabi ng isang babae ay gusto raw akong makausap ng kanilang hari. May mahaba pong balbas ang hari at mukha nang matanda. Tinanong po ako kung gusto ko raw humalili sa kanya bilang hari. Malapit na raw siyang mamatay at ako raw ang gusto niyang humalili sa kanya.â€
“Anong sagot mo?â€
“Ayoko po.â€
“Bakit ka tumanggi ? â€
“Gusto ko na pong umuwi, baka hinahanap na ako ni Nanay. Pero pinilit pa rin ako. ‘Pag pumayag daw ako ay payayamanin daw nila sina Nanay at Tatay. †(Itutuloy)