ANG kuwento ng aking ina, ang punso sa silong ng Home Economics Building na matatagpuan sa public elementary school ng aming bayan ay naroon na noong siya ay nasa elementarya. Noon pa man ay iniiwasan na ng mga bata na mapadako sa punso sa takot na baka sila parusahan kapag nabulabog ang katahimikan ng mga ito. Dalaga na ako nang kumalat sa aming kalye na nawawala si Cholo, na noon ay grade 2 at nag-aaral sa nabanggit na eskuwelahan. Halos maluka-luka si Aling Aning sa paghahanap sa kanyang bunso. Sa pagtanong-tanong sa mga kaklase ng anak ay ito ang nabuong kuwento: Naglalaro sila malapit sa H.E. Building hanggang sa kumapit na ang dilim. Ang huling natandaan nila ay pumasok si Cholo sa silong ng H.E. Building. Tapos hindi na nila nakitang lumabas ito. Hindi sila nag-alala dahil nasa isip daw nila ay sa kabilang bahagi ng building ito lumabas kaya hindi na nila hinintay at nagkanya-kanya na sila ng uwian.
Kinabukasan ay wala pa rin Cholo na nagpakita sa kanyang pamilya kaya nagpasya ang mga magulang nito na ireport ang pagkawala sa pulisya. May nagpayo sa ama’t ina ni Cholo na bukod sa pulis, humingi rin sila ng tulong sa isang kilalang psychic-healer sa aming lugar. Ang psychic-healer ang nagkumpirma na kinuha ng mga duwende si Cholo. Ang payo nito, magpunta ang ina malapit sa punso at paulit-ulit na isigaw ang kumpletong pangalan ni Cholo. Maaaring ito ay wala sa sarili o tulala habang nasa daigdig ng mga duwende. Ang pagsigaw ng ina sa pangalan niya ay makakapagpabalik ng kanyang malay. Makikilala niya ang boses ng ina at ito ang magtutulak upang gustuhin niyang umuwi sa kanilang bahay . Tapos may ginawang ritwal ang healer na makakatulong sa pagbabalik ni Cholo. Kalat-kalat ang balita tungkol kay Cholo sa lahat ng sulok ng aming munting bayan.
Pagkaraan ng tatlong araw, may nakakita kay Cholo na nagÂlalakad sa isang kalye ng isang barangay na sakop rin ng aming bayan pero sa public elementary school kung saan siya nawala. Halata raw na disoriented ang bata at mukhang pagod habang naglalakad. Natukoy naman ng mga taong nakapulot sa kanya na siya ang batang pinaghahanap na ng ilang araw. Naku nag-iyakan sa sobrang galak ang buong angkan ni Cholo nang bumungad ito sa kanilang pintuan. Ang sabi kasi ng healer ay malaki ang posibilidad na hindi na ibalik sa Cholo sa ating daigdig. Bumubunghalit nang iyak si Aling Aning habang tinatanong nito ang anak:, “Bunso saan ka nanggaling? Tatlong araw ka nang hinahanap namin!†Napakamot sa ulo ang mahal na bunso. Buong kainosentihang nagtanong: “ Sandali lang po akong kinausap ng hari, tapos umuwi na ako. Paano po magiging tatlong araw?â€. Nanlaki ang mata ng ina: “Hari? Sinong Hari?â€