^

Punto Mo

EDITORYAL - Kahit mahirap puwedeng umangat

Pang-masa

BUKAS gaganapin ang commencement exercises sa Philippine Military Academy (PMA) sa Baguio City. Si President Noynoy Aquino ang guest speaker at mag-aabot ng presidential saber sa valedictorian ng “Pudang Kalis” Class of 2013.

Ang nanguna sa 124 na mga kadeteng magtatapos bukas ay si Cadet First Class Jestony Arman Lanaja.  Nagmula sa mahirap na pamilya sa Davao del Sur si Lanaja. Sa katunayan, walang panggastos ang kanyang mga magulang para siya pag-aralin sa kolehiyo. Ang kanyang ama ay isang “mangangarit” o “magtutuba”. Binabayaran ng kanyang ama ang bawat puno ng niyog na kanyang kinukunan ng tuba. Ang tuba ay ibinibenta umano sa halagang P30 isang gallon. Mayroon silang maliit na tindahan na ang kanyang ina ang namamahala. Kahit bali-baliktarin ang mundo, hindi mapagkakasya ang kinikita sa pagtutuba at maliit na tindahan para mapag-aral ang mga anak sa kolehiyo. Bukod kay Lanaja, may iba pang kapatid si Lanaja na nag-aaral.

Ayon kay Lanaja, tumigil siya sa pag-aaral noong nasa first year high school sapagkat walang-wala talaga sila. Nagtrabaho siya sa isang tubuhan (sugarcane). Taga-harvest ng tubo. Mahirap na trabaho. Bawat bundle ng tubo ay P1.25. Nakapagha-harvest siya ng 50 bundles. Pero sa kabila ng hirap, hindi naging hadlang kay Lanaja para mangarap. Nagpatuloy siya sa pag-aaral at nag-graduate ng may karangalan sa Digos City National High School. Pagkaraan ay ipinasya niyang mag-aral siya ng electronics sa isang vocational school. Siya rin ang nag-top sa vocational course. Hanggang sa kumuha siya ng PMA entrance exam. Ayon kay Lanaja, nagbenta ng alagang baboy at kambing ang kanyang mga magulang para may pamasahe siya patungong Maynila upang kumuha ng exam. Ayon kay Lanaja, tanging ang pag-aaral sa PMA ang makatutulong sa pag-aabot ng pangarap. Mataas din ang pangarap ng kanyang mga magulang para sa kanilang magkakapatid. Sa kabila nang mahirap na buhay, matutupad ang kanilang pangarap sa mga anak.

Nang makapasa si Lanaja sa PMA, lalo pang nag-alab ang kanyang pagnanais na makapagtapos ng pag-aaral. Iyon ang simula para makamit ang kanyang pangarap. Nag-aral na mabuti si Lanaja. At hindi siya nabigo. Ayon kay Lanaja, ang kanyang pamilya ang tangi niyang inspirasyon kaya napagtagumpayan ang pag-aaral sa akademya. Pinatunayan rin niyang kahit mahirap maaaring umangat.

 

AYON

BAGUIO CITY

CADET FIRST CLASS JESTONY ARMAN LANAJA

DIGOS CITY NATIONAL HIGH SCHOOL

KANYANG

LANAJA

PAG

PHILIPPINE MILITARY ACADEMY

PUDANG KALIS

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with