Biyenang babae nagpakasal sa kanyang manugang

MARAMING nagimbal sa ginawa ni Felistus at Juda Magarasadzaand at kanyang biyenan na si Felistus. Nag­pakasal sila dalawang taon, makaraang mamatay ang kanyang anak na si Rozie. Namatay si Rozie noong 2008.

Marami sa mga kamag-anak ni Felistus at ni Juda ang nasuklam. Bakit daw sila pang dalawa ang nagkaroon ng ganoong klaseng relasyon. Hindi na raw ba sila nahiya? Para raw silang mga hayop na hindi na binigyan ng kahihiyan ang mga pamilya.

Pero sa kabila ng pagtutol ng bawat pamilya, itinuloy pa rin nina Felistus at Juda ang plano. Nagpakasal pa rin sila noong 2010. Masaya nilang idinaos ang reception. Marami ring bisita sa kasal. Pero wala ni isa man nilang kamag-anak ang dumalo.

Ayon sa mga report, dalawang buwan pa lang mula nang mamatay si Rozie noong 2008, lumipat na si Felistus sa bahay ng manugang. Doon na nagsimula ang kanilang mainit na relasyon. Hanggang sa ipasya nilang magpakasal noong 2010.

Kamakailan, napabalita ang pagkamatay ni Juda. Agad na kinuha ng mga kamag-anak ang bangkay ni Juda sa bahay nito. Sila ang nagburol at hindi nila pinayagang makadalaw si Felistus sa kabila ng pakiusap nito. Ayon sa report, matindi ang pagkasuklam ng mga kaanak ni Juda kay Felistus at hindi nila kikilalanin kahit kailan ang “masamang” relasyon ng dalawa. (www.modernghana.com)

 

Show comments