^

Punto Mo

Lalaki, kinidnap ang sarili para may maidahilan sa girlfriend

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

DALAWANG linggong nawala si Rahmell Pettway, 36, ng New York. At hindi niya alam kung paano ipaliliwanag sa kanyang girlfriend ang dahilan ng kanyang pagkawala.

Isang paraan ang kanyang naisip: kinidnap niya ang sarili!

Nilagyan niya ng duct tape ang kanyang bibig, tinalian ang kanyang mga paa at ang kamay at humiga sa Brooklyn Road. Tinulungan siya ng mga taong nagdaraan.

Dumating ang mga pulis at sinabi niya sa mga ito na kinidnap siya ng dalawang tao at isinakay sa asul na van. Dalawang linggo umano siyang binihag at saka iniwan sa Brooklyn Road.

Pero nagduda ang mga pulis sa kuwento ni Pettway. Hindi kapani-paniwala ang story niya. Hanggang bumigay si Pettway at sinabing kinidnap niya ang sarili para makaiwas sa pagtatanong ng kanyang girlfriend kung saan siya nagtungo ng dalawang linggo.

Sabi ng isang pulis: “Ngayon lang ako nakakita ng ganitong tao. He’s a total moron.’’

Toilet Paper Na May Gospel Messages, Binatikos Sa Norway

HINDI nagustuhan ng Christian church leaders sa Norway ang paglalagay ng gospel messages sa toilet paper. Nagprotesta sila para alisin ito.

Ayon sa church leaders, ang Metsa toilet paper ay may nakasulat na linya mula sa Gospel ni St. Matthew at First Corinthians. Hiniling nila na alisin ang linya.

Agaran namang nangako ang Metsa Paper Co. na aalisin ang linya mula sa Bible.

Bukod sa Norway, ang toilet paper ay ibinibenta rin sa Sweden at Denmark.

 

AGARAN

BINATIKOS SA NORWAY

BROOKLYN ROAD

FIRST CORINTHIANS

METSA PAPER CO

NEW YORK

PETTWAY

RAHMELL PETTWAY

ST. MATTHEW

TOILET PAPER NA MAY GOSPEL MESSAGES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with