Thomas Edison
Bago nagtagumpay si Edison sa pagtuklas ng bombilya, katakot-takot munang experiment ang kanyang ginawa. Noong panahong lampas na ng isandaang experiment ang nagagawa ni Thomas Edison ngunit hindi pa rin niya makuha ang tamang materyales sa filament na magpapailaw ng bombilya, napabuntung hininga ang kanyang assistant.
“Sir nasayang lang ang ating pagod. Wala na namang nangyari sa ating experiment.â€
“Aba, huwag mong sabihin ‘yan. Ang totoo, may natutuhan tayo sa nangyaring kabiguan. Nalaman natin na hindi pala makakapagpailaw ng bombilya ang 100 materyales na sinubukan nating gamitin.â€
Socrates
Kabisado ng mga kaibigan na si Socrates ay napakatipid na tao. Isang kaibigan ang nakapansin na lagi siyang nagpupunta sa palengke, partikular sa tindahan ng mga gamit sa bahay.
“Kaibigan, mukhang may plano kang mamili ng mga gamit sa bahay. Ilang beses kitang nakita na naglilibot sa mga tindahan.â€
“A…wala akong balak mamili. Natutuwa lang akong maglibot sa mga tindahan dahil nalaman ko kung gaano karami ang mga bagay na hindi ko kailangan sa aking buhay.â€