Noong nakalipas na taon, ang DOTC sa layunin ma-centralize ang lahat ng biddings ng ahensya at sub-agencies nito ay nagsagawa ng bidding para sa supply at delivery ng aluminium substrates at sheeting materials na gagamitin sa License Plates.
Ang naturang kontrata ay nai-award sa isang supplier na nasumpungan naman sa multiple failed deliveries, kaya ang naturang kontrata ay nanganganib na makansela.
Pero ayon sa nakuha nating impormasyon may nag-lobby umano na mga DOTC officials para ang naturang kontrata ay mai-award muli sa supplier na ito.
Pero para disimulado o hindi halata kaya pinabilis ang bidding at maging ang implementasyon ng Standardization of Motor Vehicle License Plates program.
Eto ngayon ang pinangangambahan ng marami dahil sa simula pa lamang ay nakitaan na ng mga ‘hokus-pokus’ ang P3.8-B Motor Vehicle Standardization.
Ayon sa ilang bidder mukhang sa mga ipinatutupad pa lamang na panuntunan ay makikita nang mayroon pinapaboran o tinititigan ang ilang opisyal ng DOTC.
Ilan sa binanggit na dahilan ng ilang ‘nagdududang’ bidder kung bakit mukhang nagkakaroon ng ‘hokus-pokus’ sa simula pa lamang ay dahil sa ni hindi nagkaroon ng pre-conference ukol dito, na ito ay kontra sa batas. Ang petsa umano ng pagsusumite ng bid documents ay lubhang limitado sa kabila na ang naturang proyekto ay nagkakahalaga ng multi-bilyong piso.
Maging si LTO Asec Torres ay hindi iniinform sa mga concern patungkol sa proyekto kung saan ang kanyang ahensya ang naatasang magpa-implimenta.
May ilan pa umanong technical specifications ang maituturing na irrelevant o hindi na kailaÂngan, ang delivery schedule ng license plates buhat sa submission ng Purchase Order ay malayo sa katotohanan at marami pa umanong iba.
Ang lahat ng ito umano ay ginagawa para pumabor lamang sa ninanais nilang bidder.
Mukhang malaking kontroÂbersiya na naman ang babalot dito kung hindi matitignan o mapapag-aralan nang husto ng ahensya.
Hindi biru-biro ang halaga ng proyekto kaya dapat na mapag-aralang mabuti at dahil nga sa malaking halaga ang involve malamang din na marami ang magkaroon ng mga pansariling interes dito.