Kaso vs. mga tauhan ni General Uyami
MAGSISILBING test case kay CIDG director Chief Supt. Frank Uyami ang kaso na isasampa laban sa operatives niya sa Bataan at Angeles City. Sa biglang tingin, accomplishments ng CIDG ang pagkaaresto ng 13 sales supervisors, cabo at empleado ng Small Town Lottery sa Bataan at 12 naman sa STL sa Angeles City. Sa ngayon kasi naghahanda ng ebidensiya si Atty. Francisco Macalino III, abogado ng Sunset Bay Research and Marketing Corporation sa Bataan at Lake Tahoe Gaming and Amusement Corp. sa Angeles City para sampahan ng kaso ang CIDG operatives na sangkot sa magkahiwalay na raid. Hindi lang naman kasi sa Bataan at Angeles City nagsagawa ng raid ang mga bataan ni Uyami kundi maging sa iba pang bahagi ng Luzon. Subalit itong operators lang ng dalawang STL corporations ang may bayag at nangahas na labanan ang CIDG kaya ang halos lahat ng operators ng STL ay naka-monitor sa kaso. Sa Ombudsman balak magsampa ng kaso ni Atty. Macalino kaya lagot ang retirement benefits ng CIDG raiders pag nagkataon.
Isinagawa ang raid sa STL operations sa Bataan noong Feb. 28 at noong Mar. 2 naman sa Angeles City. Ayon kay Macalino, itinuloy ng CIDG ang raids kahit na may malaking PCSO signage ang mga opisina ng kliyente niya. Itong STL mga kosa ay pinapatakbo ng PCSO. Ayon kay Macalino, nagpakita pa sila ng PCSO Deed of Authority at mga certifications subalit wa epek sa raiders at inaresto nga ang mga tauhan nila kahit naka-uniporme sila at armado pa ng ID ng PCSO. Sinabi pa ni Macalino na nawalan ang mga kliyente niya ng “undetermined amount of cash.†Nagdulot ng confusion ang raid at na-disrupt ang operation nila. Subalit pagÂdating sa korte, pinakawalan ni Balanga City prosecutor Oscar Lasam ang 13 nahuling empleado ng Sunset Bay Research and Marketing Corp. Ang preliminary investigation naman para sa 12 inaresto sa Angeles City ay noong Martes ng hapon at hindi ko pa alam kung ano ang kahihinatnan nito.
Sa ilalim ng mandate ng STL mga kosa, may porsiyento ang PNP sa pamamagitan ng kanilang regional director, provincial director at city o town police chiefs. Ang CIDG? Hindi sila kasali sa grasya mga kosa! Sa pa bookies ng STL may nakakarating sa mga CIDG officials subalit kararampot lang. Kaya karamihan sa mga CIDG provincial office at regional office ay may kimkim na galit sa STL operators. Kaya’t ginamit ng mga CIDG PO at RO itong “no take, no contact†policy ni Uyami para gumanti sa STL operators, di ba mga kosa? Sa totoo lang, ayon sa aking bolang kristal, tinawag ni Uyami ang mga PO at RO ng Region 3, 4-B at 4-A at sinabi ang instructions sa kanya ni DILG Sec. Mar Roxas ay “to go hard against STL bookies operators.†Nagkagulo ang tabakuhan!
Ang tanong, paano susuportahan ni Uyami ang kanyang mga tauhan kapag may kaso sila sa Ombudsman? Matagalan kasi ang labanan sa korte at sa liderato ni Uyami, hindi ito kasali sa pondo? Get’s n’yo mga kosa? May karugtong!
- Latest