Paningin
ISANG matandang lalaki at isang binatang nasa kanyang mid 20s ang sumakay sa tren. Habang tumatakbo ang tren ay inilabas ng binata ang kanyang kamay sa bintana at parang bata na dinama ng mga kamay nito ang hangin. “Dad, tingnan mo, ang lakas ng hangin. Ha-ha-ha! At parang hinahabol tayo ng mga puno. Tingnan mo Dad. Nakakatuwa!â€
Sa sobrang katuwaan ay hindi napansin ng binata na lumaÂlakas na ang kanyang boses kaya napakunot ang noo ng mag-asawang pasahero na nasa likuran nila. Para kasing bata kung umasta ang binata. Kahit pa sabihing noon lang ito lumuwas ng Maynila. Bakit, wala bang hangin o puno o tren sa probinsiya para manibago ito sa mga nararanasan niya?
Maya-maya ay muling nagsalita ang binata nang mapatingala ito sa labas ng bintana. “’Yan ba ang tinatawag na ulap Dad? Para pala itong bulak na ginagamit sa ospital. Nakakatuwa, parang mga bulak na nakalutang sa langit.â€
Hindi umaalis sa pagkakatingala ang binata. Titig na titig ito sa mga ulap.
“Masama na ang tama ng taong ’yan. Mukhang malakas ang tililing sa utak. Dapat ay dalhin na sa ospital nang ma-check-up ng doktor†malakas ang boses ng pasaherong nasa likuran ng mag-ama. Halatang nagpaparinig.
Nakadama ng inis ang matanda pero pinigil niya ang sariling magtaas ng boses. Hinarap niya ang kapwa pasahero at nagsalita ng marahan pero may diin.
“Hindi na kailangang dalhin siya sa ospital. Kagagaling lang namin doon dahil inoperahan siya sa mata. Sa kauna-unahang pagkakataon, ngayon lang siya nakakita. Ngayon niya nakita ang kagandahan ng mundo. At sa kasamaang palad, ngayon lang din niya nakita ang pangit na hitsura ng mga taong mapanghusga.â€
- Latest