Kamangha-manghang pugad ng mga ibon

HINDI lamang sa itaas ng punongkahoy, mga damuhan at batuhan nagpupugad ang mga ibon, puwede rin silang magpugad kahit saang lugar na gusto nila…

Kahit sa wiper ng kotse…

Isang Audi na nasa garahe ng anim na araw ang pinagpugaran ng ibon. Gumawa ng pugad sa wiper ng Audi at doon nangitlog. Nang makita ng may-ari na may pugad at may itlog ang kanyang Audi, hinayaan lang niya. Nang mapisa ang mga itlog, saka lang niya ginamit ang sasakyan (www.oddee.com).

* * *

Kahit sa gas barbecue…

Nagulat si Golda Gleason nang buksan ang kanyang gas barbecue. Nakita niya ang pugad ng ibon sa loob. Ayon kay Glenda, napansin na niya noong spring ang mga ibon na umaaligid sa kanyang pang-barbecue. Iyon pala ay gumagawa ito ng pugad. Hinayaan niya hanggang sa mapisa ang itlog. Tiniis niyang huwag mag-barbecue (www.oddee.com).

* * *

Kahit sa public ashtray…

Karaniwan nang makakita ng public ashtray sa Wales. Ito ay para hindi itapon ng smoker ang abo at upos ng sigarilyo sa kalye. Pero sa halip na magamit ng smokers ang ashtray, mga ibon ang nakikinabang sapagkat ginagawa nilang pugad. Maawain naman ang smokers at hindi nila ginagamit ang ashtray. Hinahayaan nilang mapisa ang itlog sa loob niyon. Para hindi magamit, nilagyan nila ng warning signs (www.oddee.com).

* * *

Kahit sa loob ng sapatos…

Gulat na gulat ang isang lalaki nang isusuot na niya ang kanyang sapatos sapagkat may pugad ng ibon. Naiwan niya sa balkonahe ng bahay ang sapatos sa loob ng isang linggo. Hindi muna niya ginamit ang shoes (www.oddee.com).

 

Show comments