Hindi pa man nagsisimula ang kampanya para sa mga local candidates para sa darating na halalan sa Mayo, ramdam na talaga ang init ng bakbakan sa pulitika.
Hindi lang basta balitaktakan ang nangyayari ngayon, aba’y wala pa man ang halalan ay may nagbubuwis na nang buhay.
Sa Masbate, dalawang insidente nang pagpaslang na kamaÂkailan lang ay naganap at sinasabing konektado sa darating na halalan.
Hindi lang naman sa Masbate, may ilang lugar din na naitala na ang ganitong mga karahasan at hindi maiaalis na pagdudahan ang mga ito ay may motibong politikal.
At ilan sa mga krimeng ito ay nangyayari sa ilang lugar na sa mga nakalipas na eleksyon ay naitala na rin naging mainit ang naging labanan ng mga pulitiko.
Nagaganap ang ganitong mga karahasan sa kabila nang umiiral na election gun ban.
Sa kabila nang pagmamalaki ng PNP na mahigit na sa isang libo ang nahuhuli nilang lumabag sa ipinatutupad na election gun ban at mahigit na rin sa 1,322 ang nasamsam nilang mga armas, nalulusutan at nalulusutan pa rin nga ng mga masasamang elemento na banta talaga sa peace and order sa bansa na patuloy pa ring pinangangambahan.
Enero 13 nagsimula ang election period na dito rin sinimulang ipatupad ang gun ban, pero hindi rin maisasantabi ang mga naganap at nagaganap na krimen na konektado sa halalan.
Hindi maiaalis na mag-alala ang marami nating kababayan sa posibleng mga karahasan pang maganap na dapat ito ang matutukan ng mga awtoridad lalo na nga sa mga lugar na idineklarang hot spots ng Comelec.