MARAMI ang maaaring nagtataka kung bakit kahit wala naman tayong sipon ay parang may pesteng “ehem†sa ating lalamunan. Madalas, kung kaÂilan tayo magsasalita at saka pa parang nahihirinan tayo sa waring sipon na nakaÂbara sa lalamunan. KakailangaÂnin pang i-clear ang ating lalamunan sa pamamagitan nang pag-ehem-ehem.
Ito ay sapagkat sadya namang nagpupundar ng mucus ang ating katawan. Sinasabing baka may isang litro ng mucus ang ipinupundar ng ating ilong at mga sinuses (air spaces sa ating mukha) sa araw-araw. Ang mucus na ito ay napupunta sa dakong lalamunan nang hindi natin namamalayan sapagkat maninipis lang ito.
May dahilan kung bakit inilagay ng Diyos ang mga mucus sa lalamunan. Ito ay para proteksyunan ang ating baga sa pamamagitan ng pagpapainit sa hangin na ating nilalanghap. Hinuhuli rin nito ang mga alikabok at iba pang bagay na ating nalalanghap. At dahil wala tayong malay sa nagaganap na prosesong ito, nalulunok lang natin ang mucus na ito, kasama na ang iba pang bagay na humalo rito. Ngunit kahit malunok pa natin ito, wala namang kaso. Wala itong idudulot na sakit.
Kapag madalas magkaroon ng allergy (gaya ng allergic rhinitisÂ), madaling mairita ang loob ng ilong ng kung anu-anong bagay gaya ng usok ng sigarilyo, alikabok, o pollen mula sa puno, ang bunga nito ay ang pagkakaroon ng mas maraming extra mucus. Nagkaroon nito para tanggalin ang mga pesteng irritants na nalanghap, ang nagiging sanhi ng tinatawag na “postnasal drip†kaya nagkakaroon ng pag-ehem. Pakiwari kasi natin ay may nakabarang mucus sa dakong lalamunan. Nakakairita.
Kapag sinuri naming mga doctor ang lalamunan ng taong laging parang sinisipon sanhi ng allergy, nakakakita kami ng deposito ng mas makapal na mucus na nakakapit sa lalamunan. Wari mo’y tumpok ito ng sipon na nakabitin doon. Ito yung “postnasal drip.†Ito ’yung gusto nating idahak.
Nagiging conscious lamang tayo sa mucus na nasa ilong at lalamunan kapag tuyung-tuyo ang nalalanghap na hangin. Lumalapot kasi ang naturang mucus; nagiging mahirap idahak.
Ano ang mga gagawin? Panipisin ang mga naturang mucus sa pamamagitan ng sumusunod: 1) Uminom nang maraming tubig. 2) Magmumog ng maligamgam na tubig na may konting asin tatlong beses maghapon. 3) Kung may nebulizer sa bahay, makakabuti ang paglanghap dito. 4) Paggamit ng nasal spray na may taglay na steroid.