Lalaki, gumastossa pagpapagandang apartment nahindi pala kanya

TUWANG-TUWA si Gui Lizhong nang makabili ng apartment unit sa isang bagong bukas na lugar. Maganda ang apartment. Wala pang mga naka-assign na number ang mga hanay ng apartment. Pero okey lang kay Gui. Sapat nang nakita niya ang unit.

Nakipagkasundo na siya sa builders na gawin na ang interior ng unit. Gusto niya ay magandang-maganda. Nagkasundo sila sa halagang $20,000 para sa pagpapaganda.

Mabilis na natapos ang apartment. Napakaganda. Agad na lumipat si Gui.

Pero hindi pa siya natatagalan sa apartment ay isang lalaki ang duma­ting, si Long Nengyun at tinanong siya kung ano ang ginagawa sa kanyang apartment no. 4-1. Nakipagtalo si Gui kay Long. Pero nagpakita ng papeles si Long na pag-aari niya ang unit. Binili niya iyon noong 2011.

Namutla si Gui. Nagkamali siya sa pagpapagawa ng unit. Sa halip na no. 4-2 ay no. 4-1 ang kanyang naipagawa.

Show comments