Noon ang balat ko’y medyo kayumanggi
Bagama’t maitim may kaunting puti;
Ito’y sa Laguna’ng may tanging bayani
Mga kabarkada ka-edad kauri!
Doon ang kulay ko’y hindi nagbabago
Lalo’t nasa bahay na doo’y pundar ko;
Ngunit nang malipat sa bahay na bago
Nagbago ang balat – naging parang negro!
Nalipatang bahay nasa isang lunsod
Ito’y Taguig City tahimik na pook;
Mga manggagawang lumabas-pumasok
Parang mga negrong katawan ay sunog!
Sa nangyaring ito’y aking napagkuro
Kaiba ang hanging dito’y dumarapo;
Ang maysala pala sa kulay ko rito
Ay hanging nagbuhat doon sa malayo!