MARAMING klase ng stress. Posible kang ma-stress sa meeting, sa pagkausap sa boss, o sa pagtatalumpati. At minsan ay may naramdaman ka sa katawan at natatakot kang baka masamang sintomas na ito.
Sa mga ganitong sitwasyon, may mabisang paraan para malabanan ang stress, nerbiyos at kaba. Ito ang payo ng mga ekspertong doktor at psychologists. Ang solusyon: mag-deep breathing exercises.
Aminin na ika’y na-stress. Mararamdaman mo naman ito. Para kang kinakabahan, pinapawisan ang kamay, at mabilis ang pintig ng puso. Sabihin sa sarili, “Na-stress yata ako, kailangan mag-relax muna ako.â€
Puwede mong sabihin sa iyong asawa o kaibigan na na-stress ka. Ang pagsasabi sa ibang tao ay nakababawas din sa stress.
Ihinto muna ang iyong ginagawa. Kung puwede, umupo sa isang matahimik at preskong lugar. Pero kahit may tao sa paligid ay puwede pa ring gawin ito.
Ituwid ang likod at ipikit ang mata. Ngayon, obserbahan at pansinin ang iyong paghinga.
Huminga papasok nang malalim (inhale deeply) habang nagbibilang ng 4 na segundo. Gamitin ang ilong sa paghinga at hindi ang bibig. Isipin nang dahan-dahan, 1…2…3…4… Kapag puno na ng hangin ang iyong dibdib, magpigil muna ng hininga ng 4 na segundo. 1…2…3…4…
Pagkatapos ay ilabas ang hangin nang dahan-dahan pa rin (exhale deeply). Bumilang ng 5 segundo sa pag-exhale.
Ulitin ito muli. Gawin ito ng 10 beses hanggang ma-relax ka. Ang sikreto sa deep breathing ay ang paghinga nang malalim at dahan-dahan lang. Huwag bibilisan ang paghinga.
Gawing pabagal nang pabagal ang pag-inhale at exhale. Sa ganitong paraan, babagal din ang tibok ng iyong puso at mababawasan ang iyong stress.
9. Habang ika’y humihinga, mag-isip din nang magagandang bagay. Ilarawan sa isipan ang isang matahimik at mapunong lugar sa probinsiya. Isipin mong nandoon ka at nagre-relax.
10. Puwede mo ring sabayan ng pagdarasal. Ilagay ang positibong salita sa iyong isipan tulad ng “Wala namang problema, eh.†“Babantayan naman ako ni Lord.†o “Sabi ni Doc ay wala akong sakit.â€
Kaibigan, subukan ang deep breathing exercises. Gawin ito sa kahit anong oras o lugar. Magpasalamat tayo sa Diyos sa mga biyayang binigay Niya. At huwag kalimutang mag-deep breathing!