ANG madalas na pagkakaroon ng heartburn ay posibleng magbigay-daan sa kondisyong Gastroesophageal Reflux Disease (GERD). Hindi biro ang pakiramdam na parang may sinisilaban sa loob ng dibdib kapag umakyat ang stomach acid papuntang laÂlamunan.
Upang makaiwas sa heartburn, ipinapayo ko ang mga sumusunod:
1. Magbawas ng timbang. Nagdudulot ng pressure sa stomach ang sobrang timbang.
2. Huwag magpaka-bundat sa tuwing kakain. Ugaliing kumain lamang ng kaunti. Nababawasan nito ang pressure na ipinapatong sa stomach.
3. Huwag agad hihiga pagkakain. Ito ay para bigyang-daan ang kinain na malusaw at makapunta na sa small intestine. Sa gayon, malayo ang tsansang makapuslit ang stomach acid paakyat ng lalamunan.
4. Maupo muna o tumayo matapos kumain. Maghintay ng 2-3 oras bago tuluyang humiga o matulog.
5. Itaas ang ulunan ng kama. Gumamit ng unan o mga tiniklop na tela sa ulunan upang mas nakaangat ang ulo kaysa sa katawan. MaÂiiwasan ng posisyong ito ang pagbalik ng stomach acid sa lalamunan.
6. Huwag mag-ehersisyo matapos kumain. Maghintay ng 2-3 oras makakain bago sumabak sa matinding gawain gaya ng pag-eehersisyo.
7. Iwasan ang paninigarilyo. Ang paninigarilyo ay nagbibigay-daan upang bumalik ang stomach acid sa lalamunan. Nakatutuyo ng laway ang paninigarilyo. Nakatutulong ang laway para mapaÂngalagaan ang esophagus mula sa stomach acid.
8. Limitahan ang pag-inom ng alak. Kasama sa epekto ng alak ay ang pagiging masyadong relax ng pamiit (sphincter) sa taas ng stomach. Kapag masyadong relaxed ang pamiit, madaling makakapuslit ang stomach acid paakyat ng lalamunan.
9. Umiwas sa kape at tsokolate. May mga inumin at pagÂkaing nagdudulot ng mataas na produksyon ng stomach acid gaya ng kape (at iba pang inuming may caffeine), tsokolate, maaanghang na pagkain, sibuyas, at mint.
10. Limitahan ang pagkain ng maaasim na prutas at kamatis. Acidic ang mga ganitong pagkain kaya lalong darami ang produksyon ng stomach acid.
11. Bawasan ang pagkaing mamantika. Nare-relax ang pamiit ng stomach dahil sa mga mamantikang pagkain kaya nakakapuslit ang stomach acid paakyat sa lalamunan. Pinatatagal ng mamantikang pagkain ang pagkalusaw ng pagkain sa small intestine. Mas matagal tuloy na nakatengga sa stomach ang acid kaya mataas din ang tsansang makapuslit ito sa pamiit.
12. Iwasang gumamit ng girdle. Huwag magsuot ng masikip o mahigpit na damit. Nagdadagdag ito ng pressure sa stomach.