^

Punto Mo

Mga pulitiko sa graduation rites

KAWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

NAGPAPAALALA na ang Department of Education laban sa mga pulitiko o kandidatong sasamantalahin ang graduation rites ngayong Marso para magparamdam sa mga botante.

Kung paalala lang ang ga­gawin ng DepEd, malabong sundin ito ng mga pulitiko dahil wala namang pakialam ang mga ito basta’t ang nais lamang ay makuha ang boto ng mga botante.

Mayroon nang mga pangyayari na may pulitikong hindi nga direktang nangampanya sa mga graduation rites pero dahil nagsilbing guest speaker ay namahagi naman ng iba’t ibang paraphernalia gaya ng pamaypay, ballpen at iba pa.

Dapat ay tuluyan nang ipagbawal ang pagsipot ng sinumang kandidato sa mga graduation ceremony kahit pa mayor, gober­nador at kongresista ang nagpagawa ng school buildings sa kanilang lugar. Hindi naman pera nila ang ipinagpagawa ng school dahil galing ito sa buwis ng taumbayan. Hindi sila dapat pasiputin sa graduation rites.

Payo ko sa mga estudyante at magulang, kapag may pulitiko na nagpalusot na mangampanya sa graduation rites ay huwag nila itong iboto para hindi manalo.

Ang mga ganitong pulitiko ay maituturing na mapagsamantala sa taumbayan. Kung sa ganitong sitwasyon ay hindi na sila masuweto ay baka mas lalo pa ang usapin na may kinalaman sa kaban ng bayan. Batay sa pagmo-monitor ng Comelec, marami na ang lumalabag na mga kandidato.

Dahil dito, umaasa ako na gagamit ng “kamay na bakal” ang Comelec. Magsampol sila ng mga pulitiko lalo na ang mga kandidatong lalabag sa batas. Patawan ng kaukulang parusa tulad ng diskuwalipikasyon sa pagkandidato.

Abangan natin kung gaano kaseryoso ang Comelec sa kanilang pagbabantay sa mga aabusong kandidato ngayong eleksiyon.

ABANGAN

BATAY

COMELEC

DAHIL

DAPAT

DEPARTMENT OF EDUCATION

MAGSAMPOL

MARSO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with