Graduation rites target ng mga kandidato
Nanawagan ang Department of Education (DepEd) sa mga politiko partikular sa mga kandidato na igalang ang mga isasagawang graduation rites ng mga mag-aaral at huwag gamitin sa kanilang mga pangangampanya.
Idinahilan ng DepEd na ang graduation ceremonies ay isang solemnong seremonya para sa mga ga-graduate at sa kanilang mga magulang.
Madalas nga kasi na sinasamantala ito ng mga politiko lalu na nga ng mga kandidato para sa kanilang kampanya.
Ang mas mabuti rito, dapat ang mga paaralan ay huwag nang mag-imbita pa ng mga kandidato na kanilang gagawing mga speaker.
Aba’y baka hindi gabay ang maibigay ng mga ito sa mga ga-graduate kundi ang kanilang mga plataporma para maiboto sa nalalapit na halalan.
Nasa pangasiwaan na rin naman kasi ng mga paaralan kung sino ang kanilang iimbitahang mga speaker.
Pero sa isang banda, kahit yata hindi naman imbitahan ang mga ito, may ilan pa ring makakapal talaga na pupunta at pupunta sa mga graduation ceremonies.
Biglaan lang kuno na naÂpadaan, at siyempre pa doon na poporma nang pangaÂngampanya.
Kung hindi man sila makita ng personal sa mga paaralan o sa lugar ng pagdadausan ng graduation, naku, siguradong sa labas ng mga iskul o lugar ng graduation babalandra ang mga mukha ng mga ito na kung todo ang pagbati sa mga magtatapos.
Sabi ng Comelec maghihigpit sila rito lalu na sa mga election materials ng mga kandidato.
Malamang iilan lang ang naiikot na lugar ng mga tauhan ng Comelec dahil may mga paaralan sa mga pangunahing lungsod na ang labas ng gate ay makikita ang mga mukha ng mga kandidato. At sobra sa laki ang mga streamer at tarpaulin.
Hindi pa nagsisimula ang kampanya para sa lokal pero mga mukha na ng mga local candidates ang masisilayan.
Malaking hamon ito sa Comelec kung paano nila maÂipapatupad ang kanilang mga patakaran sa kampanya.
- Latest