SA isang pag-aaral na ginawa sa sex lives ng baboons sa Ethiopia, nadiskubre na ang mga babaing may-asawa ay nangangaliwa. Halos lahat ng mga babaing baboons ay hindi tapat sa kanilang asawa.
Sa pangkalahatan, ang mga lalaking baboons ay may karapatang mambabae o makipag-sex sa ibang babae. Subalit ang hindi alam ng mga lalaki, lihim din palang nanlalalaki ang kanilang asawa. Maingat na maingat umano sa panlalalaki ang mga babaing baboons.
Kapag nalaman ng lalaki na nakikiÂpag-sex ang kanilang asawa sa iba, dito na nagkakaroon ng pag-aaway sa grupo ng mga baboon. GaganÂtihan ng lalaki ang kalaguyo sa pamamagitan ng pagkagat. Walang tigil na kakagatin. Pati ang babaing nangaliwa ay kakagatin din ng lalaki. (www.wakipedia.com)Â
Tubig na ginamit sa coffee galing pala sa radiator
DALAWANG taon nang nagkakape ang mga staff sa isang air force base sa Blekinge, Sweden at kailan lang nila nalaman na ang tubig na ginagamit sa kanilang kape ay galing pala sa radiator.
Ayon sa report, nagkamali ng pag-install sa heating system. Ang tubo ng coffee machine ay naikabit sa closed water system para sa radiators.
Ayon sa isang information officer ng base, hindi nila halata na ibang tubig ang nasa kape sapagkat maitim ang kape. Nang inspeksiyunin ang tubig mula sa radiator, nakita nilang brown ito. Puro kalawang ang nasa tubig.
Agad isinailalim sa lab tests ang staff ng base at wala pa namang nagkakasakit sa kanila. (www.wakipedia.com)