HABANG papalapit ang babae, nakaisip ng paÂraan si Dick kung paano makakakuha ng impormasyon kay Jinky. MagkukunÂwari siyang bibili ng itlog ng itik.
Hindi naman siya mukÂhang masamang tao kaya palagay niya ay hindi magÂkakait ang babae sa itatanong niya.
“Magandang hapon, Miss, maaari ba akong magtaÂnong?’’ sabi niya nang malapit na ang babae.
“Magandang hapon din po naman, Sir. Ano po ang inyong itatanong?’’
“Nabalitaan ko kasi na dito raw sa Bgy. Villareal nakakabili ng itlog ng itik. Maaari ko bang malaman kung saan?’’
“Marami po ba kayong bibilhin Sir?’’
Hindi agad nakasagot si Dick. Hindi niya kasi inaasahan ang tanong na iyon pero agad siyang nakaisip ng isasagot. Bahala na kung anong kahinatnan sa alibi niya.
“Oo. Gagawin kasing itlog na pula.’’
“Ah, marami pala kung ganoon ang inyong kaila-ngan. Tiyak na tiklis-tiklis ang kailangan mo Sir.’’
“Oo nga. Kasi’y may negosyo akong bibingka ba. Yung itlog na pula ay inilalagay sa ibabaw ng bibingka. Pampasarap ba?’’
“A oo nga po masarap talaga ang bibingka na may itlog na maalat sa ibabaw.’’
“E sino ba ang kakausapin para ako makabili ng itlog ng itik?’’
“Si Mam Jinky po, Sir. Pero puwede na rin po ako dahil ako ang pinaka-secretary niya. Puwede ka na po sa akin mag-place ng order.’’
‘‘A e saan gagawin ang bilihan natin? Doon ba sa bahay na iyon. Yung nasa gitna ng mga itikan?’’
“Hindi po. Meron po kami bodega. Doon nga po ako pupunta eh. Meron po kasing pupunta ngayon para kumuha rin ng itlog.â€
Napalunok si Dick. Hindi malaman ang gagawin.
“Halika po Sir. Sumama ka po sa akin sa bodega. Para makita mo po ang mga itlog namin. Sariwang-sariwa po at walang nabubugok. Maganda pong gawin na itlog na pula.’’
Sumama si Dick sa babae. Bahala na. Pagdating doon ay saka siya iisip ng paraan. (Itutuloy)