6. Matutulog ka na ngunit feeling mo ay mabigat pa rin ang iyong tiyan dahil marami ang iyong kinain, ganito ang iyong gawin upang maiwasan ang “acid reflux†(pangangasim ng sikmura): Humiga nang nakatagilid sa kaliwa. Sa ganitong posisyon, ang tiyan ay mas mababa kaysa esophagus kaya maiiwasan ang “paglungad†o paglabas ng acid liquid sa bibig.
7. Matatanggal ang sakit ng ngipin sa pamamagitan ng pagkuskos ng yelo sa pagitan ng hinlalaking daliri at hintuturo ng kamay. Pinasisigla ng paraang ito ang nerves ng utak na humaharang sa pain signal upang hindi makarating sa bibig.
8. Kung umiikot ang iyong paningin dahil napasobra ang nainom na alak, umupo at ikapit mo ang iyong dalawang kamay sa bagay na matibay at hindi gumagalaw: Halimbawa, sa poste ng bahay o sa railing ng hagdanan. Sa ganitong paraan, nagkakaroon ng reference point ang iyong utak kaya hihinto ang pag-ikot ng paningin.
9. Patigilin ang balinguyngoy o pagdurugo ng ilong sa pamamagitan ng paglalagay ng binilog na bulak sa loob ng upper lips, tapos diinan itong mabuti. Ang dugo ay nanggagaling sa tungki ng ilong (cartilage wall na humahati sa dalawang butas ng ilong) kaya ito ang dapat diinan para tumigil ang pagdugo.
(Itutuloy)