Haplos sa Puso

Love story no. 1: Magic ng Pag-ibig

O, pag-ibig na makapangyarihan, kahit tirik na tirik ang sinag ng araw, kaya mong mag-magic ng snow, matupad lang ang White Christmas wish ni Misis!

Ipinagtapat ng doktor kay Mrs. Pearson ng North Carolina USA, na nasa stage 4 ang kanyang breast cancer. Kumalat na raw ang cancer cell sa pelvic bone at sa utak kaya more or less ay 3 buwan na lang ang itatagal ng kanyang buhay. Kung si Mrs. Pearson ay maluwag na tinanggap ang announcement ng doktor, ang kanyang mister, si Kevin ay halos maunang mamatay nang marinig ang katotohanan. Noon ay malapit na ang Pasko. Nais ni Kevin na ibigay  ang pinakamagandang Pasko sa kanyang asawa. At naalaala niya ang minsang sinabi ni Misis: Honey, sana ay mapuno ng snow ang ating bakuran sa Pasko.

Hindi regular na umuulan ng snow sa North Carolina kapag Pasko. Minsan ay every two years lang nag-i-snow sa kanilang lugar. Araw ng Pasko noong 2012, napakainit ng araw at imposibleng magka-snow kaya may naisip si Kevin. Tinawagan niya ang kompanya na gumagawa ng fake snow, ang Snow My Yard. Ilang oras ang lumipas at habang nagkakasayahan ang pamilya sa loob ng bahay ay dumating ang isang truck na may kargang tone-toneladang yelo na hitsurang snow.

Ilang minuto lang ay puno ng fake snow ang buong bakuran ng mga Pearson. Hindi halos makapaniwala si Mrs. Pearson. Para siyang bata na pumalakpak nang makitang ibinababa ng truck ang durog na yelo sa kanilang bakuran. Natupad ang pangarap niyang White Christmas bago man lang siya magpaalam sa mundong ito. Nalaman ng Snow My Yard Company ang dahilan ng pagpapalagay ni Kevin ng snow. Kaya sa halip na $3,000 ang i-charge, siningil na lang si Kevin ng $350.

Sumali sila sa mga pamangkin at apo na naglalaro sa snow. At sa gitna ng malamig na fake snow ay buong init na naghalikan ang mag-asawa. As of January, lampas na ang 3 buwang taning ngunit buhay na buhay pa rin si Mrs. Pearson. Umaasa siya na patuloy siyang bubuhayin ng wagas na pag-ibig ni Kevin.

 

Show comments