NANG malaman ni Anton ang istorya ni Jinky ay naunawaan niya kung bakit ni hindi matandaan o hindi alam ni Dick ang apelÂyido ni Jinky. Paano nga ba malalaman ni Dick ang apelÂyido ni Jinky e hindi naman talaga ito ang karelasyon noon.
“Ang mabuti pa talaga e sumama ka muna sa akin sa Pinamalayan, Pareng Dick. Sa bahay ka muna tumuloy habang pinaplano mo ang paghahanap kay Jinky. Kasi kung basta ibababa lang kita sa Socorro, baka abutin ka ng siyam-siyam ay hindi mo makita ang hinahanap mo. Hindi mo kabisado ang Socorro.’’
“Hindi ba nakakahiya sa iyo, Pareng Anton? Ngayon lang tayo nagkakilala at patutuluyin mo agad ako sa bahay ninyo?’’
“Unang kita ko pa lamang sa’yo Pareng Dick e alam ko mabuti kang tao. Kaya alam mo ba ang plano ko, ikaw ang kukunin kong ninong ng bunso ko. Bibinyagan na sa susunod na buwan ang anak kong si Andres.’’
“Aba sige, Pareng Anton. Salamat sa pagtitiwala mo sa akin. Ako man nang magtanong sa’yo kanina ay nakita ko agad na mabuti kang tao.’’
“Salamat din Pareng Dick.’’
Makalipas ang ilang oras ay dinaanan nila ang bayan ng Socorro. Itinuro ni Anton.
‘‘Ito ang Socorro. Maunlad na rin ang bayan na ito. Maraming barangay.’’
“Magandang bayan pala ano, Pareng Dick. Dadaa-nan natin ang palengke para makita mo. Para pagbalik mo rito, alam mo na.’’
DinaÂanÂan nila ang public market ng Socorro.
“Palagay ko diÂyan ka magandang magbantay para makita si Jinky. TiÂyak na diyan siya naÂmamalengke. Walang ibang palengke rito sa Socorro kundi ito.’’
‘‘Sige Parenng Anton. Susundin ko ang payo mo.’’
Nilisan nila ang Socorro at nagderetso na sa Pinamalayan na bayan naman ni Anton.
Nasa mismong bayan ang bahay ni Anton. Malapit din sa palengke. Malaki ang bahay nito na ang ibaba ay hardware store.
Ipinakilala ni Anton si Dick sa misis nito na si Marianne. Maganda at mabait si Marianne. Nakita ni Dick ang bunsong anak ng mag-asawa na si Andres.
‘‘Ito pala ang aking aanaÂkin, Pareng Anton. Ang guwapo ah.’’
‘‘Mana sa ama, Pareng Dick,’’ sabi ni Anton at nagtawa.
DALAWANG araw ang luÂmipas, nagtungo na si Dick sa Socorro. Sa palengke siya tumambay. Maaaring doon niya makita si Jinky. (Itutuloy)