Mga kakaibang restaurant (3)
RESTAURANT SA TOKYO, UNGGOY ANG WAITER – Maraming nagsasabi na wala raw pakinabang sa unggoy. Hindi raw maaring pagkatiwalaan ang hayop na ito. Pero pinatunayan ng Kayabukiya Restaurant sa Utsunomiya, Tokyo, Japan na mali ang mga sinasabi ukol sa unggoy. Sa Kayabukiya, dalawang unggoy ang nagsisilbing waiter.
Ayon sa may-ari ng restaurant na si Kaoru Otsuka, dalawang unggoy ang alaga niya – si Yat-chan (12 year-old) at Fuku-chan (4-year old). Si Yat at Fuku ang nagsisilbing waiter. Maayos ang suot na damit ng dalawang unggoy.
Trabaho ni Yat ang magdala ng drinks ng customers. Kinukuha niya sa freezer ang mga order na inumin. Si Fuku naman ang naka-toka sa pagbibigay ng hot towel sa mga customer.
Ayon kay Otsuka, hindi niya tinuruan ang dalawang unggoy. Nakita lamang umano sa kanya at ginaya na siya ng mga ito. Napakabilis matuto nina Yat at Fuku.
Tuwang-tuwa umano si Yat at Fuku kapag binibigyan ng customer ng tip na boiled soya beans. (www.oddee.com)
- Latest