^

Punto Mo

Holdaper, biglang umiyak nang mangholdap sa pizza restaurant

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

KAKAIBA ang holdaper na pumasok sa Papa John’s Pizza restaurant sa Montana, USA. Makaraan nitong iabot sa cashier ang isang note ay bigla itong umiyak. Hindi malaman ng cashier ang gagawin. Pero sa dakong huli, naisip niyang bigyan na lamang ng pizza, chicken wings at saka softdrinks.

Ganito ang nangyari ayon sa pagkukuwento ng cashier. Nang abutin niya ang note ng holdaper nabasa niya sa ba-luktot na English: “Don’t wont eny [expletive] just give me what I want AND you wont get hert OK?”

Pero nang makita raw ng holdaper sa cash register na $24.56 lamang ang laman nito ay bigla raw itong umiyak. Kailangang-kailangan daw niya ng pera para sa kanyang asawa at mga anak.

Nabagbag ang kalooban ng cashier sa sinabi ng holdaper. Sa halip na ibigay ang $24.56 na nasa kaha, binigyan niya ito ng pizza, chicken wings at soda.

Nagmamadaling kinuha ng lalaki ang mga pagkain at umalis.

 

CASHIER

GANITO

KAILANGANG

MAKARAAN

NABAGBAG

NAGMAMADALING

NANG

NIYA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with