KAHAPON ang ika-23 monthsary ni Gummy. Sa darating na Marso ay dalawang taong gulang na siya. Napakabilis ng panahon! Ito na ang huling buwan niya bilang isang taong gulang na bata.
Napakabilis ng kanyang pagkatuto sa mga ginagawa at sinasabi. Kaya naman hindi maiwasang ma-miss ko ang baby na dati ay hinuhulaan ko lang kung ano ang nais ipahiwatig sa mga inuungol niyang tunog at iniisip ko pa ang magiging tunog ng kanyang boses sakaling magsalita na siya. Ngayon ay malinaw na siyang nakapagsasalita, matatas pa nga sa parehong Ingles at Filipino at nakakabilang ng 1-10 sa wikang Hapon at Italyano. At para lamang maibahagi ko sa ating mga mareng Nanay diyan, narito ang tala ng mga bagay na dapat nagagawa ng inyong mga anak sa kanilang unang buwan hanggang dalawang taon:
Unang buwan -- Tumitig sa mga mukha, iangat ang ulo kapag nakahiga at nagre-respond sa mga tunog.
Ikalawang buwan -- Nasusundan ng tingin ang paggalaw ng mga bagay, unti-unting nakikilala at napapansin ang kaniyang mga kamay.
Ikatlong buwan -- Nakikilala ang mukha at amoy ng ina, kaya ng iangat ang ulo ng steady
Ika-apat ng buwan -- Ngumingiti at tumatawa, kaya ng suportahan ng mga binti at paa ang kanilang bigat upang makatayo, umuungol-ungol na sumasagot kapag kinakausap siya.
Ikalimang buwan -- Pinaglalaruan ang kanyang mga kamay at paa.
Ika-anim na buwan -- Gumagaya na ng mga tunog, lumilingon kapag may naririnig, gumugulong na ng parehong pakaliwa at pakanan.
Ika-7 buwan -- nakakaupo na ng walang suporta at nakakapaghila na ng mga gamit papalapit sa kaniya
Ika-8 buwan -- Nasasabi na ang mama o papa
Ika-9 buwan -- Kaya nang tumayo ng may tinutukuran at nakakaintindi na ng object permanence o ang konsepto na kahit mawala sa paningin niya ang isang bagay alam niyang naroroon pa rin ito.
Ika-10 buwan - Kumakaway na ng bye-bye, dumadampot na ng mga bagay at mabilis-bilis na ang paggapang.
Ika-11 buwan -- kaya nang tumayo ng mag-isa kahit hindi pa matagal at gumagabay na upang makalakad.
Unang taon -- Maru-nong nang manggaya at naimomonstra na ang gusto niya.