^

Punto Mo

Sandali lang…

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Itsek mo muna ang iyong mga mata:

Nanlulugon ba ang eyebrow? Banggitin mo ito sa doktor at baka ito ay sintomas ng hyperthyroidism.

Lagi ka bang may kuliti? Maaaring ito ay cancerous cyst kung nananatili sa paligid ng mata ng 3 buwan; nawawala ngunit bumabalik sa the same spot. Eyelid cancer naman kung nanlulugon ang eyelashes.

Mayroon bang bumpy yellowish patches sa ilalim ng mata? Ito ang tinatawag na cholesterol bumps. Nagkakaroon nito kapag mataas ang cholesterol.

Kapag tumitig sa computer o sa isang bagay ay mayroong black spot at tila may maliwanag na dumidiklap sa vision. Minsan ay may kasamang sakit ng ulo. Ang dahilan nito ay sobrang stress at caffeine. Ang tawag dito ay optical migraine.

Namumula at nangangati ang iyong mata na may kasamang pagluluha, paghatsing at sipon? Allergy ang dahilan nito.

Ang white ba ng iyong mata ay naging yellowish? Nagkakaganito ang mata kung may problema sa atay.

Biglang nagdodoble ang tingin pagkatapos ay nagdidilim at sa bandang huli ay wala nang makita. Stroke ang ibig sabihin nito.

Hindi maipikit ang isang mata at walang tigil ang pagluluha. Palatandaan ito ng Bell’s palsy dulot ng viral or bacterial infection. Nagiging paralisado ang kalahati ng mukha kaya natatabingi ito.

Nanunuyo ang mata at nagiging sensitive sa liwanag. Sjogren’s syndrome ang tawag dito kung saan nagkakaroon ng problema sa immune system. Ang iba pang sintomas ay panunuyo ng bibig kaya nahihirapang lumunok, panunuyo ng balat at vagina sa mga kababaihan.

Paalaala: Magtungo agad sa doktor kapag naranasan ang mga nabanggit.

BANGGITIN

BIGLANG

ITSEK

KAPAG

LAGI

MAAARING

MAGTUNGO

MATA

MAYROON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with