PAKSA sa unang bahagi ng kolum na ito ang patuloy na pagsasagawa ng BITAG ng case study para sa mga kababayan nating nagdurusa sa diabetes. Bunga ng desperasyon at kakapusan sa pera kaya sumusubok ang mga diyabetikong pasyente ng paraan upang makahanap ng lunas at hindi na umabot sa puntong maputulan ng bahagi ng kanilang paa o kamay.
Ang bawat pasyente ay boluntaryong lumapit sa tanggapan ng BITAG upang subukan ang bisa ng herbal supplement na mula sa kumpanyang “King’s Herbalâ€. Itinatala ang kalagayan ng sugat ng pasyente bago niya simulan ang pag-inom ng herbal supplement sa unang araw pa lamang.
Muling idino-dokumento ang progreso sa kalagayan ng pasyente sa ika-30, ika-60 at ika-90 araw na paggamit nila ng herbal supplement. Sa halos apat na taon ng aming case study, 85% sa mga pasyente ay tuluyan nang gumaling ang mga sugat at hindi na natuloy na ma-amputate.
Ang natitirang 15% naman ay mga pasyenteng nadiskwalipika o napagdesisyunang huwag nang ituloy ang pag-inom ng herbal supplement. Binibigyang prayoridad sa case study na ito ang mga diyabetikong pasyente na pinayuhan na ng kani-kanilang mga doktor ng pagputol sa bahagi ng kanilang paa o kamay dahil sa lumalalang kalagayan dulot ng impeksiyon o kapabayaan.
Lahat ng mga pasyenteng sumasailalim sa aming case study ay hindi binabayaran ng BITAG. Hindi na kinakailangang magbayad pa ng mga sikat na personalidad para maging endorser, ’di tulad sa ibang mga higanteng pharmaceutical companies para makapanghikayat ng mga tagatangkilik ng kanilang gamot o herbal supplement.
Kusang-loob na nagpresenta ang bawat pasyenteng sumasailalim sa aming case study upang maging subject ng aming dokumentasyon. Base sa totoong kalagayan o sitwasyon at aktuwal ang pagdo-dokumento sa mga may diabetes.
Mapapanood ang segment na ito ngayong buwan ng Pebrero tuwing Biyernes sa Aksiyon TV na nagsi-simulcast din sa Radyo 5. Abangan!