^

Punto Mo

Babae sa Florida, inaresto dahil sa pagsipa sa ‘bayag’ ng bawat masalubong

MGA KWENTONG KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

DELIKADONG masalubong ng mga kalalakihan ang isang babae sa Bradenton, Florida sapagkat pinupuntirya nitong sipain ay bayag. Tinaguriang “genital kicking woman’’ si Katrina Collins, 38, taga-Sarasota, Florida. Umano’y basta na lamang naninipa ng bayag ng bawat masalubong si Collins.

Nang araw na iyon, isang tawag na naman mula sa concerned citizen ang natanggap ng Manatee County Sheriff’s Office sapagkat mayroon na namang nangyayaring genital kicking rampage. Agad na rumesponde ang mga pulis at tinungo ang lugar.

Naispatan ng mga pulis ang babae na nag-match sa des­cription ng caller. Iyon nga si Collins. Gayunman hindi agad makagawa ng hakbang ang mga pulis sa takot na sila ay “mabayagan” din ng babae.

Binigyang babala ng mga pulis si Collins na tigilan na ang ginagawang paninipa o pambabayag. Pero mabilis na tumakbo ang babae. Hinabol siya ng mga pulis. Hanggang sa makorner.

At nang tangkang aares­tuhin, mabilis na sinampal ni Collins ang isang pulis. Natanggal ang sunglasses ng pulis dahil sa lakas ng sampal. Iyon ang dahilan kaya pinosasan ang babae.

Sinampahan ng kaso si Collins dahil sa paglaban sa police officer at inatasang magbayad ng $1,500 bond.

Ayon sa mga pulis hihintayin nila ang mga magre-reklamo sa mga sinipa sa bayag ni Collins. Sa dami raw ng binayagan ni Collins, baka hindi na ito makalabas sa bilangguan.

Hindi naman nabatid ang dahilan kung bakit nag-rampage si Collins at tinatarget ang mga bayag ng bawat makasalubong.

vuukle comment

AYON

BINIGYANG

BRADENTON

COLLINS

IYON

KATRINA COLLINS

MANATEE COUNTY SHERIFF

PULIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with