^

Punto Mo

Dagdag na kalbaryo sa Edsa, paghandaan na!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Tuloy na tuloy na pala ang gagawing rehabilitasyon sa kahabaan ng Edsa pagkatapos na pagkatapos ng halalan sa Mayo.

Ito’y matapos na sumang-ayon ang mga Metro Manila mayors na pasimulan na ang naturang proyekto ng DPWH,. Pero ngayon pa lamang kinakabahan na ang marami nating mga kababayan sa matinding trapik na idudulot nang gawaan na tatagal ng may dalawang taon.

Aba’y kung ngayong walang ginagawang mga konstruksyon sa Edsa, eh talagang kalbaryo na sa mga motorista ang pagdaan dito dahil sa trapik, eh di lalu na kapag sinimulan na ang rehabilitasyon.

Ang tanong nga ng marami, kayanin kaya nila ang matinding trapik na araw-araw nilang sasagupain simula sa Mayo.

Panawagan naman ng mga kinauukulan, konting tiis lamang daw, dahil pagkatapos naman ng gagawing major repair, mahaba-habang ginhawa naman ang mararanasan ng mga motorista.

Mawawala na ang mga lubak-lubak at hindi pantay na semento, maging ang ilang pagbaha sa mababang lugar. Magiging maayos na rin umano ang mga sakayan ng mga pasahero na bahagyang itataas.

Harinawa eh ganito nga ang mangyari.

Bagamat bago simulan ang gawaan, iisip naman daw ng epektibong mga re-routing ang mga ahensya ng pamahalaan, partikular na ang MMDA para makabawas sa trapik.

Isa nga rito ang paggamit sa mga secondary road o mga daan sa mga pribadong subdivision na maaaring maging alternate route.

Pero mukhang mahihirapan sila na kumbinsihin ang mga homeowners at siguradong hin­­di papayag ang mga ito.

Dapat sigurong unahin na mabawasan ang mga bus na tumatakbo sa Edsa, ang mga ito naman talaga ang nagpapasi-kip sa naturang daanan, bukod pa nga sa karamihan sa mga ito ay walang disiplina sa daan na siyang nagiging dahilan rin ng trapik.

Ngayon pa lamang dapat na itong mapaghandaan dahil kung Mayo sisimulan ang trabaho sa naturang daan, ma­sasabay pa ito sa pasukan at sa tag-ulan, naku lalu nang gugulo ang pagbibiyahe rito.

BAGAMAT

DAPAT

EDSA

HARINAWA

ISA

METRO MANILA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with