NABABAHALA ang mga sundalong lalaki sa Germany, particular na ang nasa Watch Batallion Unit. Umano’y 74 percent ng mga sundalo ang nag-complaint na tinutubuan sila ng suso sa isang bahagi ng kanilang katawan. Tinatawag ang breast-like growth na gyneÂcomastia.
Hanggang sa magkaroon ng konklusyon kung bakit nagkakaroon ng gynecomastia ang mga lalaking sundalo sa battalion at nagpe-perform ng drill demonstrations. Ito ay dahil sa madalas nilang pagsasalpak ng baril sa isang bahagi ng kanilang dibdib. Dahil sa paulit-ulit na pagsalpak ng rifle sa dibdib, nagkakaroon ng tendency na mag-stimulate ang hormones sa nasabing bahagi.
Ayon sa report, nasa 211 kaso ng gynecomnastia ang napaulat at karamihan sa mga sundalo ay nasa battalion unit.