NABILI na pala ni Dodie Lasierda ang tabakuhan sa Sou-thern Tagalog sa halagang P1.5 milyon kada linggo. Paano kaya makubra ni Lasierda ang naturang halaga? Para makapagpasobra siya sa presyo na iniatang niya, kailangan ni Lasierda at alipores na si Leo de los Santos na brasuhin ang mga gambling lords na sina Charing Magbuhos ng Quezon, Don Ramon Preza ng Laguna at Totoy Haruta ng San Pablo City. Sa totoo lang, ang mga pasugalan sa CALABARZON pa lang ang gumagana sa ngayon. Ang Laguna ay medyo mainit pa dahil itong bookies ng STL ni Tita Dinglasan Angeles ang itinuturong ugat ng away ng namayapang gambling lord na si Vic Siman at katunggali na si Supt. Hansel Marantan. Siyempre, si Marantan ang nanalo sa giyera nila sa Atimonan, Quezon at naiwan ang negosyo ni Siman sa kasosyo na si Dante Alvarez, ayon sa mga kosa ko sa Southern Tagalog.
Sinabi ng mga kosa ko na kahit mainit ang mata ni Calabarzon police director Chief Supt. Benito Estipona sa Laguna, patuloy naman ang bookies ng STL operation ni Don Ramon Preza sina Edwin Olazo alyas Toce sa San Pedro; Engr. Edu Reyes na bagman ni Mayora Alonte; Dante Alvarez na partner ni Siman sa Sta. Rosa; SPO1 Ossel Caratian, at Benilda Tomboy sa Cabuyao; Tita Dinglasan Angeles, at Dante Alvarez uli sa Los Baños; retired SPO4 Dave Abcede na kapatid ng hepe ng pulis sa isang bayan ng Laguna, sa Bae at Caratian uli sa Calauan. Sa San Pablo City naman ang operator ng bookies ng STL ay si Totoy Haruta at alyas Gener na kapatid ng isang opisyal ng siyudad; si Abel naman ang namamahala ng video karera subalit ang financiers ay sina Dante Alvarez pa din at alyas Bombay at sa Sta. Cruz naman ay si alyas Umbay na me anak ng major na graduate ng PNPA. O hayan, maliwanag mga kosa na hindi sarado ang pasugalan sa Southern Tagalog tulad ng ibinabando ng nasibak nilang hepe na si Chief
Supt. James Melad. Lumilitaw na itong no take policy ni Melad ay kinopya lang niya sa idol niya at dating PNP chief at ngayon Sen. Ping Lacson. Hindi na kumuha si Lacson sa mga gambling lords noon subalit ang mga nakapaligid sa kanya ang kumukuha. Get’s n’yo mga kosa? Ewan ko lang kung may naniniwala pa kay Melad na hindi talaga siya sumawsaw sa pasugalan noong panahon niya sa Calabarzon. Subalit kung itong ugat ng Atimonan “shootout†kuno ang gagawing basehan, nalusaw ang moro-moro ni Melad at siya na sa ngayon ang naiwang tulala.
Habang hindi pa nailalabas ng NBI ang imbestigasyon nila sa Atimonan “shootout,†tahimik din ang PNP sa probe nila sa pagkamatay ng isang alyas Mang Pandoy sa Batangas. Ayon kay PNP chief Dir. Gen. Alan Purisima, wala pa siyang natanggap na report na si Mang Pandoy, ang naghulog sa tropa ni Siman. Ang ugong kasi sa Laguna, si Mang Pandoy ang sakay sa isang sasakyan na nag-u-turn at hindi na tumuloy sa checkpoint sa Atimonan. May karugtong!