BAGO namatay si David Kime, 88, nasabi na niya ang mga gagawin ng kanyang pamilya sa oras ng kanyang libingÂ. Gusto raw niya ay kakaiba ang kanyang libing. Gusto niya iba ang style.
Si Kime, taga-Pennnsylvania at beterano ng World War 2 ay mahigpit na pinagbilin na idaan ang kanyang libing sa drive-through ng Burger King restaurant. Pagtapat ng karo ay i-order siya ng Whopper Jr. burger at ipatong iyon sa kanyang kabaong kapag nasa sementeryo na.
Ginawa ang kanyang request.
Sabi ng manager ng Burger King, ina-appreciate nila ang pagiging loyal customer ni Mr. David Kime. Hanggang sa wakas ay ipinakita niya ang katapatan.
Ayon sa mga kaanak ni Kime, masyadong addicted sa burger ang beterano at hindi ito nagbago ng diet sa buong buhay niya. Iyon ang talagang gusto niya.