Teenager, nawala sa disyerto ng 9 na linggo, natagpuang buhay
HIMALA ang nangyari kay Matthew Allen, 18, na nawala sa disyerto ng northwest Sydney, Australia at natagpuang buhay makaraan ang siyam na linggo. Payat na payat umano ang teenager nang matagpuan. Ang pagkabuhay niya sa gitna nang nagbabagang disyerto ay isang himala ng Diyos. Bihira umano ang nakaliligtas sa ganoong lugar na walang tubig at makakanlungang puno o halaman.
Nawala sa disyerto si Matthew noong Nobyembre. Walang tigil ang ginawang paghahanap sa kanya ng pamilya. Hindi sila sumusuko sa paghahanap at pagdarasal na matagpuan si Matthew. Mga pulis ang naghanap kay Matthew. Pero walang makitang trace sa teenager.
Hanggang isang araw, dumating ang mga pulis at ibinalita na natagpuan na nila si Matthew. Ganoon na lamang ang kanilang katuwaan. Halos nag-iyakan sila sa matinding kasiyahan.
Ayon sa police officer na si Glyn Baker, exhausted at masyadong dehydrated si Matthew nang kanilang matagpuan. Halos nabulag na ito at napakaraming linta sa buong katawan. Nakalantad sa araw sa buong siyam na linggo. Himala talaga na nakaligtas siya.
- Latest