^

Punto Mo

‘Rebeldeng pag-ibig’

- Tony Calvento - Pang-masa

KUNG may lugar na ayaw lisanin ni ‘Fewi’… ito ay ang kanyang tabi.  “Kaya nga kami nagpakasal agad para magkasama kami. Hindi ko akalain na sasabihin niyang ayaw na niya dahil ’di ko mabigay ang nakasanayan niya… hindi ko siya kayang buhayin,” wika ni Jing. Pagpapakasal ang naisip na paraan nila Danilo “Jing” Macapagal Jr., 31-taong gulang at Elaisa Jane Macapagal mas kilala bilang “Fewi”, 28-anyos para malayo man, tali na sila sa isa’t isa. Kakaiba ang problemang nilapit sa amin ni Jing. Giit nito, nagkamali umano siya sa pagpili sa babaeng pinakasalan. Tubong-Malolos, Bulacan si Jing. Nang matapos sa kursong Electronics at ‘second course’ na Cyber Programming sa STI, Malolos lumipat silang mag-anak sa Mandaluyong City para magnegosyo ng karinderya. Nitong taong 2011, maswerte siyang naging Assistant Manager sa Jonker’s Nyonya Deli sa Singapore, Singapore. Halagang Php60,000 ang sahod ni Jing kada buwan. Kasama niya ang 20 pang Pinoy workers. Isa na rito si Fewi, ang kanyang ‘board mate’. Mula buwan ng Nobyembre parehong taon, naging makaibigan ang dalawa. Kahihiwalay lang nun ni Fewi sa German national na ‘boyfriend’, si Sebastian.  Buwan ng Pebrero 2012, naghanap ng bagong trabaho si Fewi. Tinulungan siya ni Jing na maipasok sa kanilang ‘restaurant’. Sa pakiusap daw niya, naging Manager si Fewi dun. Kasabay ng pagsasama nila sa trabaho ang panliligaw niya sa dalaga. Mayo 2012, naging sila. Nagkaroon ng malaking problema nang mapabalik si Jing sa Pilipinas matapos umanong pekein ng ahensyang Maritime Agency sa Singa­pore ang ibang dokumento tulad ng kanyang school records. Ika-14 ng Mayo 2012, tuluyang umuwi ng Pinas si Jing.

Walang ibang naisip na paraan si Fewi kundi ang umuwi ng Pilipinas at sunduin si Jing pabalik ng Singapore bilang ‘tourist’. “Nagkasama naman kami ulit dun… bumalik kami sa dati na­ming trabaho,” pahayag ni Jing. Agosto 31, 2012, ni-‘renovate’ ang kanilang pinagtatrabahuhan kaya’t sa unang pagkakataon, magkasama silang umuwi sa Pinas, ika-2 ng Setyembre 2012. Dumiretso sila ng Bacolod sa pamilya ni Fewi. Balik-Mandaluyong sila ilang linggo makalipas.  Nag-live-in sila ni Fewi at nag-ayos ng mga papeles para magpakasal sa Huwes. Mabilis ang pangyayari, Oct. 16, 2012, ginanap ang seremonya. Walang alam ang pamilya ni Fewi sa kasalan, partido ni Jing ang tanging bisita. Ang usapang Enero 2013 sabay silang babalik sa Singapore para magtrabaho subalit Nobyembre 4, 2012 naunang umalis si Fewi at nagtrabaho ng ‘part time’ bilang staff sa isang Thai Restaurant  at sa isang eskwelahan. Tawag at mga ‘social networking sites’ gaya ng Facebook (FB) at Yahoo Messenger (YM) ang naging daan ng kanilang komunikasyon.

Disyembre 24, 2012, bisperas ng Pasko, nagulat si Jing nang magsimula raw mag-text si Fewi ng mensaheng nagsasabing gusto na niyang kumalas. “Di ko sinasadyang saktan ang pamilya mo, pasensya ka na kung nadamay ka sa kabaliwan ko. Na-realize ko pinakasalan kita dahil gusto kong magrebelde kay mommy. Gusto kong ipakitang di na ako bata...”—ani Fewi.

Sa mga ganyang kataga lumalabas tuloy na nagpakasal siya kay Jing dahil rebelde siya sa kanyang pamilya. Nakalagay rin daw sa text nitong ’di niya kayang mabuhay sa paraang nakasanayan ni Jing. Mali umano na nagpakasal sila at ito’y parusa sa kanyang pagiging suwail na anak at masamang tao sa kapwa… ang maging miserable. Naisip ni Jing baka may ibang lalake ang misis. “Pumasok bigla sa isip ko ang ex niyang si Sebastian,” wika ni Jing. Dumiskarte si Jing at gumawa ng FB account. Nagpanggap siyang si Sebastian. Inadd niya si Fewi. Inaccept siya nito at para ’di mabisto sinabi niyang i-delete ang totoong account ni Sebastian dahil binubuksan ito ng isa niyang kaibigan. Napaniwala naman si Fewi. Dito na sunud-sunod na bumulaga kay Jing ang umano’y lihim ng asawa. Matapos magkamustahan, sinabi nitong nasa Singapore siya. Nauwi sa seks ang usapan.  Inaya niya si Fewi na magseks. “Let’s check-in and f*** if you want”—chat ni Jing. Tumanggi si Fewi at nag-chat, “I’m with my roommate.” Tinanong umano ni Jing kung kelan sila nagtalik at nalaman niyang Dec. 17 at 19 daw ito. Inulit-ulit ni Jing ang katagang halos ayaw na niyang i-type sa chatbox. “I want to f*** you”. Nanginig siya sa galit nang i-chat umano nitong, “tomorrow”. Hindi lang ito ang mga bagay na nahuli ni Jing. Mga maseselan at masakit mabasa ng isang lalake. Mga patunay na siya’y kinaliwa. Mula Enero 6-7 sila nagka-chat ng asawa sa pag-aakalang siya si Sebastian. Hindi nagtagal nahuli siya ni Fewi matapos umanong bumalik ng Singapore ang totoong Sebastian. Agad daw binawi ni Fewi ang kanilang naging usapan. “Akala mo hindi ko alam ang ginagawa mo? Na hinuhuli mo ako? Di ako tanga…” ilan sa mga huling mensahe raw ni Fewi. Sa ngayon naka-block na si Jing sa lahat ng account ni Fewi sa FB at Yahoo Messenger. Sinubukan niyang ayusin ang relasyon nila subalit siya pa ang lumabas na masama. Puno na raw siya at gusto niyang malaman ang legal na hakbang na pwedeng gawin para sa ginawa ni Fewi.“Hanggang ngayon napapaisip talaga ako, ‘Sino ba itong babaeng pinakasalan ko? Ano ba ito?’,” tanong niya sa sarili.

Itinampok namin siya sa CALVENTO FILES sa radyo. “Hustisya Para Sa Lahat” ng DWIZ882 KHZ (Lunes-Biyernes 3:00-4:00PM at Sabado 11:00AM-12:00NN) SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES,  diretso naming sinabi kay Jing na hindi basta makakasuhan itong si Fewi dahil una, ang mga konbersasyon sa ‘email’ gaya ng kanyang pinakita ay hindi matibay na ebidensya sa pagsampa ng kaso sa Korte. Pwedeng itanggi ni Fewi na hindi siya ang ka-chat ni Jing. Dahil  sa Singapore nangyari (kung meron man) ang pagtataksil sa kanya dun niya dapat isampa ang kaso. ‘Jurisdictional’ ang sinusunod sa ‘criminal procedures’. Naiintindihan namin si Jing. Mahirap malamang pinagtaksilan (kung totoo nga lahat ng kwento niya sa ’min) lalo na’t nangyari ito ilang buwan mula nang sila’y ikasal… bagong kasal pa lamang sila at matatawag na nasa ‘honeymoon stage’ ang kanilang relasyon. Para lubusin ang tulong kay Jing, ini-‘email’ namin ang kanyang sulat at katanungan kay Usec. Rafael Seguis ng Department of Foreign Affairs para iparating kay Fewi na nirereklamo siya ng kanyang asawa at baka naman mabigyan niya ng pagkakataon na maipaliwanag nang mabuti ang tunay na dahilan. (KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL). Ang aming numero 09213263166(Aicel)/ 09198972854 (Monique) /09213784392 (Pauline). Tumawag sa 6387285 at 24/7 7104038. Address: 5th floor City State Centre Bldg., Shaw Blvd., Pasig.

 

FEWI

JING

NIYA

NIYANG

PARA

SEBASTIAN

SILA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with