^

Punto Mo

Vacuum cleaner: no. 1 sa pinaka-gustong i-shoplift sa U.S.

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

KUNG titingnan, paano mananakaw sa store o appliance center ang vacuum cleaner. Imposibleng maisilid sa bulsa o kahit isilid sa malaking bag, tiyak na mahahalata. Pero batay sa pag-aaral, ang bagay o gamit na ito ang number one na paboritong i-shoplift sa U.S.

Iba’t ibang paraan ang ginagawa para manakaw ang vacuum cleaner. Gaya ng isang babae sa Evans, Georgia na mabilis na nailabas sa store ang isang vacuum cleaner. Ayon sa mga pulis, inilagay ng babae sa shopping cart ang vacuum cleaner, at nagdaan pa mismo sa cashier at mabilis na lumabas. Mabilis na nakalayo ang babae dala ang vacuum cleaner.

Sa Evesham, Philadelphia naman, isang lalaki na nagnakaw ng vacuum cleaner ang dinakma ng mga pulis. Hindi na sana malalaman ng mga pulis ang pagnanakaw na ginawa ni Dennis Foley, 38, pero bumalik pa siya sa appliance store. Umano’y balak ibalik ni Foley ang ninakaw. Natandaan siya ng store security at agad siyang ipinahuli sa mga pulis. Nang i-searched ang kanyang sasakyan, natagpuan doon ang iba pang ninakaw niya sa store.

Marami pang naireport na pag-shoplift sa vacuum cleaner sa US at walang makapagsabi kung bakit ito ang paboritong nakawin.

Bukod sa vacuum cleaner, ang iba pang gustong nakawin ay gamit sa pregnancy tests, kitchenaid mixers, weight loss pills, lotions and cream, electric toothbrushes, baby’s milk, razors, denims at handbags.

 

vuukle comment

AYON

BUKOD

CLEANER

DENNIS FOLEY

FOLEY

GAYA

IMPOSIBLENG

MABILIS

SA EVESHAM

VACUUM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with