^

Punto Mo

Try mo, baka effective…

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa
  • Magbigay ka sa ibang tao ng higit sa inaasahan nila.
  • Mag-memorize ng paborito mong kanta.
  • Huwag paniwalaan ang lahat ng naririnig mo. Huwag ma­tulog nang sobra sa 8 oras. Huwag gastusin ang lahat ng perang hawak mo.
  • Kapag nag-I Love You ka, siguraduhin mong totoo iyon.
  • Kapag nag-I’m Sorry ka, tumingin ka ng diretso sa mata ng hinihingan mo ng kapatawaran.
  • Makipag-engaged muna ng 6 na buwan bago magpakasal.
  • Maniwala sa love at first sight.
  • Huwag pagtawanan ang pangarap ng iba kahit pa totoong nakakatawa ito at parang imposibleng mangyari. Hindi mo alam ang kapalaran ng bawat tao. Baka ikaw naman ang pagtawanan niya kapag natupad ang impossible dream niya.
  • Magmahal nang todo. E, ano kung mabigo. Talagang ganoon ang buhay.
  • Kapag nakikipagtalo, panatilihin ang pagiging edukada. Walang murahan; walang name calling.
  • Huwag husgahan ang isang tao dahil sa reputasyon ng iba niyang kapamilya.
  • Magsalita nang marahan ngunit mag-isip nang mabilisan.
  • Kung ayaw mong sagutin ang itinatanong sa iyo, sagutin mo siya ng “Bakit mo itinatanong?”
  • Kung may tsismosang tumitingin sa iyo na parang nanunukat ng pagkatao mo, tingnan mo rin siya para mapahiya at tumigil sa katitingin sa iyo.
  • Bumulong ng “Bless you” kapag may narinig kang humatsing.
  • Tawagan mo lagi ang nanay mo. May sasabihin ka man o wala sa kanya.
  • Ngumiti kapag sasagot sa phone, nadadama iyon ng tao sa kabilang linya.

BAKIT

BUMULONG

HUWAG

I LOVE YOU

KAPAG

MAGBIGAY

MAGMAHAL

MAGSALITA

MAKIPAG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with