^

Punto Mo

Lampong(181)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAGPAALAM na si Dick kay Jinky. Lu­mingon siya nang lalabas na sa pinto.

“Bye Jinky.”

“Bye Tito.’’

Iyon lang at lumabas na si Dick. Hindi na niya nilingon pa si Jinky. Bakit pa ba siya lilingon?

Pero kung lumingon lamang siya, sana ay nakita niya si Jinky na tinatanaw siya habang pababa sa hagdan. At saka lamang umalis si Jinky ay nang ganap siyang nakalabas sa building. Makahulugan ang paghahatid sa kanya ng tanaw ni Jinky. At si Jinky lamang ang nakaaalam niyon.

Nang makarating sa apartment si Dick ay parang nabunutan siya ng tinik. Dahil iyon sa mga nalaman niya ukol kay Puri. Talaga palang dapat silang magkahiwalay. Hindi nga pala karapat-dapat si Puri sa pagmamahal niya. Masamang babae! Naatim na ipalaglag ang bata sa sinapupunan. Mistulang criminal si Puri. O baka higit pa dahil ang kanyang pinatay ay walang malay. Siguro ay talagang sinadya ng pagkakataon na matuklasan niya ang lihim ni Puri para makakalas siya rito. Talagang inilalayo siya sa mabigat na problema. Ayaw niyang makapiling ang isang babaing masama!

At nailigtas din naman siya sa isa pang kasalanan na sana ay gagawin niya kay Jinky. Salamat at hindi niya nagawa. Kung hindi malaking pagsisisi.

Hanggang sa maisip ni Dick na lumipat ng tirahan. Ayaw na niya rito. Bukas na bukas din ay magha­hanap siya ng bahay. O mas mabuti kaya ay bumili siya ng isang unit sa condo.

Mabuti pa nga. Iyon ang gagawin niya.

(Itutuloy)

 

AYAW

BAKIT

BUKAS

BYE JINKY

BYE TITO

IYON

JINKY

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with