Pusit, may ngipin na tulad sa tao

NAKAKITA na ba kayo ng pusit na may ngipin na tulad sa tao? Ito ay ang pusit na mahuhuli lamang sa pusod ng dagat. Umano’y mahirap hulihin ang pusit na ito sapagkat nagtatago sa madilim na bahagi ng dagat. Tinatawag itong Promacthoteuthis sulcus. Pero hindi naman ganap na nakakatakot ang ngipin na taglay ng pusit.

Sa katunayan ang ngipin ng Promacthoteuthis sulcus ay hindi naman umano maituturing na ngipin kundi lips o bibig. Umano’y unique ang lips sapagkat naititiklop ito para maitago ang pangit na kaanyuan.

Delikado umano kapag naipit ng lips ng pusit sapagkat mas­yadong mahigpit kung kumapit. Ma­lakas ang pressure na maaaring ikamatay ng sinumang huhuli nito. (www.oddee.com)

 

Show comments