^

Punto Mo

Comelec, maghihigpit daw sa political advertisement

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

NAGLABAS na naman ng press release ang Comelec na nagsasabing hihigpitan daw nila ang mga political advertisement sa 2013 elections. Lilimitahan daw ng Comelec at babangayin ang mga kandidatong sobra-sobra na maglalabas ng political ads sa TV, radyo at diyaryo.

Marami nang nagdaang eleksiyon sa bansa na laging nangangako ng paghihigpit sa mga mayayamang kandidato na madalas lumampas sa itinatakdang limit sa advertisement.

Dehado kasi ang mga mahihirap na kandidato kung paba­bayaang umabuso ang mga mayayamang kandidato. Madalas manalo ang mga mapeperang pulitiko.

Naglabas muli ng resolusyon ang Comelec kung saan ay aggregate na raw ang bilang sa political ads na 120 minuto sa TV at 180 minuto sa radyo. Ibig sabihin, hindi na per station o per network ang bilang ng airtime sa mga kandidato bagkus ay lalahatin na ang bilang.

Sa kabilang banda ay okey itong patakaran ng Comelec kung talagang masusunod ito pero asahan natin na maraming magpapalusot na kandidato dito lalo na ang mga mayayaman.

Sa kasalukuyang sistema ng eleksiyon, masyadong magastos para sa mga kandidato na nais magpakilala sa mga botante. Kawawa sa kampanya ang mga walang sapat na pondo. Pero sa mga nakalipas na eleksiyon ay wala namang naparusahan sa mga sinasabing lumabag sa political ads.

Ang katwiran kasi ay kung talo na sa eleksiyon ay kawawa naman kung ito ay kakasuhan pa pero kung nanalo naman ay lalong hindi uubra dahil may impluwensiya na ito sa gobyerno.

Sana sa pagkakataong ito, sa pamumuno ni Comelec chairman Sixto Brillantes ay sampolan na ang mga aabusong kandidato sa political advertisement.

vuukle comment

COMELEC

DEHADO

IBIG

KANDIDATO

KAWAWA

KUNG

LILIMITAHAN

SIXTO BRILLANTES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with