^

Punto Mo

Jueteng, lalong tatalamak dahil sa Loterya ng Bayan

KAWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

ASAHAN na lalo pang magiging talamak ang jueteng dahil sa pagpasok ng Loterya ng Bayan ng PCSO. Tulad ng STL, magsisilbing pantakip ang Loterya ng Bayan sa jueteng.

Tiyak na ang mga mag-aaplay na operator ng Loterya ng Bayan ay mga jueteng operator din dahil nais ng mga ito na pagtakpan ang iligal na sugal. Walang pinag-iba ang STL at Loterya ng Bayan dahil parehong sugal na ipanlalaban sa jueteng pero nagiging kasangkapan pa ito pabor sa jueteng.

Kung talagang gusto ng gobyerno na matanggal ang jueteng ay hulihin ang operator nito at mga kasabwat na opisyal ng PNP at lokal na pamahalaan. Binobola lang ang publiko na papatayin daw ng Loterya ng Bayan ang jueteng eh papaano ito mangyayari samantalang napakaraming nakikinabang sa jueteng.

Tandaan natin na malabong mawala ang jueteng dahil pinakikinabangan ito ng ilang tiwaling opisyal ng gobyerno at hindi sila papayag na mawalan ng kinikita. Ang nangyaring shootout sa Atimonan, Quezon na ikinamatay ng 13 tao ay jueteng umano ang dahilan.

Hindi ako naniniwala sa sinasabing press release ng PCSO na mawawala na ang jueteng dahil sa  loterya ng bayan. Sa lotto na lang ng PCSO ay kaduda-duda na nga dahil hindi naman natin kilala kung sino ang mga sinasabing nanalo. May posibilidad na gawa-gawa lang ito. Maraming nagnanais na biglang yumaman kaya marahil tinatangkiliik ang lotto. Pero kung malalaman lang nila na isang milyon ang tsansa na manalo sa lotto, baka mawalan na sila ng ganang tumaya.

Sa halip na mangarap ng biglang yaman, maging masipag na lang sa trabaho. Mas sigurado ito kumpara sa panalo sa lotto.

 

ATIMONAN

BAYAN

BINOBOLA

DAHIL

JUETENG

LOTERYA

MARAMING

PERO

QUEZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with