Magpalit ng unan taun-taon. Pinamamahayan ito ng bacteria na nagiÂging dahilan ng allergy.
ï€ ï€ Magpalit ng kutson tuwing ika-5 o ika-7 taon. Ayon sa pag-aaral ng Oklahoma State University, ang mga taong nagpapalit ng kutson tuwing ika-5 taon ay nakakatulog nang mas mahimbing at nababawasan ang sakit sa likod.
ï€ ï€ Palitan ang smoke alarm tuwing ika-10 taon pero i-tsek buwan-buwan ang battery nito para malaman kung maayos ito. Ang sensor ng smoke alarm ay humihina ang performance habang naluluma.
ï€ ï€ Ang air conditioner ay tumatagal hanggang 15 years kung ito ay sumaÂsailalim sa annual servicing. I-tsek ang filter tuwing ika-6 na linggo.
ï€ ï€ Itapon ang mga pills na nasa medicine cabinet 2 taon matapos bilhin kung halimbawang nabura o walang nakalagay na expiration date sa wrapper.
ï€ ï€ Itapon ang fire extinguisher na 10 taong hindi nagagamit. Ngunit kung ito ay rechargeable, ipa-service ito tuwing bumababa ang pressure.
ï€ ï€ Itapon ang contact lens solution after 3 months.
ï€ ï€ Palitan ang toothbrush tuwing ikatlo o ikaapat na buwan.
ï€ ï€ Itapon ang mascara sa ika-6 nitong buwan pagkatapos buksan. Ang bacteria ay namamahay sa applicator ng mascara dahil ito ang labas-masok sa lalagyan. Pagpasok ng applicator ay diretso ang bacteria sa mismong mascara na iaaplay naman sa eyelashes.
ï€ ï€ Itapon ang natirang antiÂbacterial cream na ginamit sa sugat pagkatapos ng isang taon.
ï€ ï€ Itapon ang dandruff shampoo pagkatapos ng 3 taon.