“BAKIT Jinky? May sasabihin ka pa?’’ tanong ni Dick. Nasa may pintuan na siya.
“Oo, Tito.’’
Tumigil si Dick. Ano pa kayang sasabihin ni Jinky? Meron pang nakalimutan.
‘‘Anong sasabihin mo, Jinky?’’
‘‘Tungkol kay Tita Puri. Marami pa akong sasabihin, Tito. Yung mga sinabi ko sa’yo kanina ay kapiranggot lang.’’
Patda si Dick.
‘‘Sige, ano pa ang tungkol kay Puri?’’
‘‘Maupo ka muna, Tito. Halika muna.’’
Bumalik si Dick. Naupo.
‘‘Ipaghanda muna kita ng meryenda, Tito. Chic-ken sandwich okey sa’yo?’’
“Oo. Please.’’
“Coffee?’’
“Beer meron ka?’’
“Wala Tito. Hindi na ako nagbi-beer?’’
“Why?’’
“Basta hindi na. Pero kung gusto mo ng beer, ibibili kita sa baba.’’
“No. Huwag na. Coffee na lang. Black coffee.’’
“Sige, Tito Dick. Sandali lang at maghahanÂda ako ng chicken sandwich.’’
Umalis na si Jinky. Nasundan ni Dick ng tingin si Jinky. Sexy si Jinky. Hindi halatang may isang anak na. Nasaan na kaya ang anak ni Jinky? Baka nasa province na. Kinuha na ng mama ni Jinky. Itatanong niya mamaya kay Jinky.
Ano pa kaya ang sasabihin ni Jinky ukol kay Puri? Matindi pa kaya kaysa sa mga nauna niyang nalaman? Bakit kaya nagpasya si Jinky na ibulgar na ang mga ‘‘baho’’ ng kanyang tita? Baka hindi na masikmura ni Jinky ang mga ginagawa ni Puri.
Maya-maya nakita ni Dick na papalapit si Jinky. Nasa tray ang sandwich at kape. Umuusok. Seksing maglakad si Jinky. Hindi talaga halata na may anak na.
“Eto nang sandwich mo at kape, Tito.’’
“Salamat.’’
Naupo si Jinky sa tabi ni Dick.
‘‘Ikaw, Jinky? Kumain na?’’
Hindi sumagot si Jinky. Nakatingin lang kay Dick. Mamasa-masa ang labi ni Jinky.
(Itutuloy)