HINDI nakapagsalita si Dick. Hindi niya inaasahan na makapagsasalita ng ganoon si Jinky. Siya pa ang hinahamon ngayon. Naka-handa na raw siya sa paggan-ti na gagawin ni Dick.
“Sige Tito Dick, gawin mo na ang paghihiganti. Kung iyan ang makapagpapaluwag sa dibdib mo.â€
Nakatingin lamang si Dick kay Jinky. Seryosong-seryoso si Jinky.
“Paano pa ako gaganti e bistado mo na?â€
“Okey lang, Tito Dick. Wala namang makakaalam kung paano mo ako gagantihan.’’
Napailing-iling si Dick. Ano ba ang nangyayari sa kanya at tila lumalambot na ang dating matigas niyang dibdib? Kanina, habang patungo rito ay galit na galit siya at naipangakong si Jinky ang magbabayad lahat nang mga ginawa ni Puri. Pero sa mga ipinagtapat ni Jinky na si Puri pala ang may pakana ng lahat ay siya ay sunud-sunuran lang, nakakadama siya ng simpatya rito. Biktima rin kung ganoon si Jinky. Kinakasangkapan lang si Jinky ni Puri. Pati sariling pamangkin ay tinuruan na gumawa ng masama. Sa halip na kabutihan at maging halimbawa siya ni Jinky, tinuruan pa itong mang-akit ng lalaki at sinilaw sa maraming pera na mahuhuthot sa matandang mayaman.
“Sige Tito Dick, gantihan mo ako!â€
“Nagbago na ang isip ko.’’
Sa sinabing iyon ay tila nagkaroon ng sigla sa mga mata ni Jinky. Nagkaroon ng pag-asa.
“Anong ibig mong sabihin, Tito?â€
“Kalimutan mo na ang sinabi ko.â€
“Hindi mo na ako gaganÂtihan, Tito?â€
“Oo. Mali ang naisip ko. Bakit kita gagantihan e hindi naman ikaw ang nanloko sa akin. Kung may dapat akong gantihan, iyon ay si Puri.’’
“Salamat, Tito.â€
“Kalimutan mo na ang sinabi ko, Jinky.’’
Napatango si Jinky.
Tumayo si Dick. Humakbang patungo sa pinto.
Si Jinky ay nakatungo lang.
“Sige Jinky.’’
“Tito! Sandali lang Tito!â€
(Itutuloy)