Lampong (174)

“BAKIT ako ang gagantihan mo Tito Dick?”

“Hindi ko magantihan ang Tita Puri mo kaya ikaw na lang.’’

“Wala naman akong kasalanan sa nangyari, Tito. Sumunod lang ako sa utos ni Tita. Natakot din kasi ako.’’

“Kung nagtagumpay ka sa pinagagawa niya paano naman ako? E di ako ang naging kawawa. Ginawa na nga akong tanga ng tita mo e kinawawa pang masyado. At ikaw ang naging instrumento. Kahit na masama e gagawin mo dahil natatakot ka. O dahil din sa masyado kang natakawan sa mapaparteng pera?’’

Tahimik lang si Jinky. Nakatungo. Iniisip marahil ang mga sinabi ni Dick.

“Mabuti na lang pala at malakas ang control ko sa sarili. Pero muntik ka na ring magtagumpay Jinky. Gusto ko  na ring bumigay nang minsang “laruin” mo ako. Natatandaan mo nang “laruin” mo ako Jinky. Akala ko susuko na ang Bataan. Grabe ang ginawa mo sa akin, Jinky…’’

Nanatiling tahimik si Jinky. Hindi makatingin kay Dick.

“Kung nagkataon e nabiktima mo ako, Jinky…”

“Tito Dick, sorry sa nagawa ko. Nahihiya ako. Talaga lang sumunod ako sa utos ni Tita. Sorry Tito…”

Nakita ni Dick na maiiyak si Jinky. Nakadama siya ng awa.

“Talaga bang kaya ka nagpunta noon sa apartment ko ay para ako tuksuhin? Bahagi ba iyon ng plano?”

“Oo Tito. Si Tita ang nagplano noon. Pasukin daw kita sa kuwarto mo at magtalik tayo.’’

“Pero nagkunwari ka na maysakit ang baby mo?”

“Oo. Wala naman talaga sakit ang baby ko. Arte ko lang iyon.’’

“Alam ko naman.’’

“Sorry na Tito.”

Napabuntunghininga si Dick.

Nag-isip.

Si Jinky naman ang may sinabi.

“Pero kung ang pagganti ang makakaluwag sa isip mo, Tito, sige gantihan mo ako…”

(Itutuloy)

Show comments